Unang hinugasan ni Yunima Batog, isang education program specialist II, ng Alternative Learning School (ALS) School Division DO Nueva Vizcaya ang pangunahing sangkap ng lulutuin niyang palaman ang kamatis.
Tinawag niya itong Sweet-and-Savory Tomato Jam na hango sa mga surplus na kamatis sa kanilang lugar. Nagkaroon kasi ngayon ng over supply ng nasabing prutas at ang iba ay itinatapon na lamang ng ilang mga magsasaka sa kalsada.
“Nalugi ang ilan sa ating mga farmer at naisipan kong i-process na lang ito,” sambit niya.
Matapos hugasan, dali-dali niyang binalatan at hiniwa ito. Naghanda siya ng palayok at pinainitan sa isang slow at low cooking fire.
Naghanda siya ng brown sugar na may ratio na isang basong asukal at isang basong nahiwang kamatis, o depende sa panlasa ninyo. Pwede ring idagdag ang lemon na perfect combination ng minatamis na ito
Dahil likas sa kamatis ang magtubig hindi na kinakailangang lagyan pa ito ng tubig. Isinalang na ni Yunima ang sweet jam. Pagkatapos ng ilang oras ay hinango na niya ito at isinalin sa mga sterilized bottle na siyang mag-papatagal ng life-span ng tomatoe jam.
“Dito sa Ambaguio, maginaw kaya maganda ang temperatura upang mag-i-store ng mga pagkain. Walang preservatives ang aking jam kaya itatabi na lamang natin ito sa room temperature,” dagdag niya.
Mapula-pula at manamis-namis ang produktong ito ni Yunima. Perfect itong ipalaman sa tinapay o pampatanggal umay. Sa ngayon ay nasa proseso na siya ng mass production para ibsan ang problema sa over suplay ng kamatis.
Ngayon ay tomato season kaya naman ang ibang grupo katulad ay nagproproseso na rin ng chewey tomatoes at tomato candy.
Panata nila ngayon ang tulungan ang ating mga tomatoe farmer.
Madali lang hindi ba? Mura na ngayon ang kamatis kaya bilang paghahanda sa kinabukasan gawin makabuluhan ang quarantine at tayo’y magproceso ng Sweet-and-Savory Tomato Jam.