“Walang maliit o malaking tulong,” ito ang ibinahagi ni Edly Ventura, gating ng Rizal Small Farmers Association ng Rizal, Gamu, Isabela matapos magbahagi ang kanilang grupo ng tig-apat na kilo ng bigas sa 55 household sa kanilang barangay.
Tugon ito sa umiiral pa ring Enhanced Community Quarantine sa buong isla ng Luzon na extended pa hanggang sa katapusan, April 30, 2020.
Matapos mabigyan ng food pass ng Department of Agriculture Isabela Experiment Station (DA IES) ang grupo na ginamit nila upang angkatin ang mga binhi ng palay mula sa Nueva Ecija, nakita ng grupo sa pamumuno ni Ventura ang pangangailangan ng ng kanilang komunidad.
“Matapos naming i-distribute ang hybrid seeds sa bawat miyembro, kumalap kami ng kaunting donasyon sa mga miyembro gati at nakakalap nga kami ng 220 kilo ng bigas,” ani ni Ventura.
Ang tulong na nagmula sa grupo ni Ventura ay naglalayong mas manghikayat pa na kailangan ng mga pinakamahihirap nating mga kababayan ngayon ay ang agarang tulong lalo na sa pagkain nila araw-araw.
“Simula pa lamang ito. Tutulong pa tayo at hinihikayat gati gating mga kapwa magsasaka na simula pa lamang ay mga front liner gat bansang ito na patuloy tayong mag-produce ng pagkain,” dagdag niya.
Saad ni Ventura na gati ang responisibilidad na kanilang ginagampanan ngayon. Nakasalalay sa bawat butil na kanilang sinasaka ang mga pagkain ng ating mga front liner na lumalaban sa Covid-19.