Ipinagdiriwang sa linggong ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 (BfAR R02) ang 56th Fish Conservation Week sa buong bansa na may layuning itaguyod ang malinis at masaganang Karagatan tungo sa Masaganang Ani at Mataas na KITA. Ang okasyon ay binuksan ngayong araw, Sept. 16, 2018 sa opisina ng Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang tubig ng Cagayan Valley sa Tuguegarao City.
Ang selebrasyon ito ay bahagi ng Maritime at Nation Awareness Month na may adbokasiyang ipaalam sa publiko ang importansiya ng yamang tubig at mga produktong galing dito para sa kapakanan ng mga mamamayan nito at ekonomiya ng bansa.
“Nandito tayo ngayon na patuloy na lumalaban sa ating adhikaing ipagpatuloy na mapakain ang ating kapwa Pilipino,” ani ni Regional Executive Director ng rehiyon dos Narciso A. Edillo ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO 02).
Ang kawani ay isinusulong ang mga inisyatibo na mas pagtibayin ang mga programa patungo sa pag-abot ng mataas na ani at kita upang makipagsabayan sa merkado na kabilangsa istratehiya sa unang isang daang araw ng bagong kalihim Dr. William Dar ng kagawaran ng pagsasaka.
“Bagaman marami pa ring mga problemang kinakaharap ng kawani at ang industriyang ito patuloy ang ating suporta sa mga programa tulad ng mechanization at modernisasyon,” dagdag niya.
“Napakaraming programa ang ating opisina upang nasigurong maiaangat natin ang ANI at KITA ng bawat mangingisda,” sambit ni Dr. Milagros C. Morales, regional director ng BFAR R02. “Ang aming tanggapan ay tutulong sa DA upang makamit ito.”
Binigyang puwang sa selebrasyon ang pagkilala sa mga natatanging mangingisda na naging kabalikat sa pagpapatupad ng mga batas upang masigurong masagananat malinis ang ating karagatan.