Fresh, puro, at masustansiya ang ilan sa mga rason kung bakit dinarayo ng ilang mga Indian national sa bayan ng San Agustin, Isabela ang gatas ng kalabaw na siyang pangunahing produkto ng San Agustin Dairy Cooperative (SADACO).
Naabutan namin si Harjinder Singh, 31 years old, at residente ng Jones, Isabela, na bumibili ng limang litro ng fresh carabao milk.
Ayon kay Singh nasa kultura na nila sa India ang pag-inom ng gatas na ito. “Sa India kasi may sarili kaming alagang kalabaw, at araw-araw walang palya na umiinom kami ng tatlong basong gatas para sa buong araw.”
Dagdag niya na walang duda na puro at natural ang ibinebenta ng SADACO kumpara sa mga nabili niya na hinahaluan ng tubig.
Samantala, sa araw na ito ihahanda na ni Singh ang nabili upang magamit kinabukasan.
“Handa na ang aming iinuming gatas bukas,” panghuli niya.
Naghahanda rin sa araw na iyon si Geo Uppal, 22 years ng nakatira sa Santiago City upang mag-order muli ng 160 litrong fresh milk para naman sa kanilang maliit na komunidad sa nasabing siyudad.
“Simula pa noong nalaman naming mas mas masarap dito ang gatas dahil bukod sa puro ay malinis din ito. Walang duda na naging suki na kami ng SADACO,” saad ni Uppal.
Kada linggo ay umoorder sila ng hindi bababa sa 160L na fresh milk upang gawing communty-based feeding program.
Malaking pasasalamat naman ni Blas Lamug, SADACO chairman sa pagtangkilik ng banyaga aa mga lokal na gatas na mayroon ang naturang bayan.