Nakiisa at nakibahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO 2) sa regional kickoff ng 51st Nutrition Month celebration, na pinangunahan ng National Nutrition Council (NNC), noong Hulyo 1, 2025, sa Municipal Gymnasium sa Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa temang “Food and Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”.Binibigyang-diin ng temang ito na ang seguridad sa pagkain at nutrisyon ay isang pangunahing karapatang ng bawat mamayang Pilipino. Nakatuon sa pagdiriwang na ito ang kahalagahan ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) at isulong ang ideya na ang lahat ay may karapat-dapat na makakuha ng sapat at masustansyang pagkain.

Bilang suporta at pakikibahagi sa programang ito nagbigay ang DA Region 2 sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) at ng National Urban and Peri-Urban Program (NUPAP) ng ibat-ibang klase ng buto ng gulay at garden tools.

Tiniyak ni DA Region 02 Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino ang suporta ng DA Region 2 sa adbokasiya ng NNC sa pamamgitan ni Ginoong Manimarico Miguel Callao Agriculturist II sa adbokasiya ng NNC.

“ Ang adbokasiya na ito ay hindi lamang sa buong buwang selebrasyon kundi bahagi ito ng misyon at bisyon ng Kagawaran ng Agrilutura na na tinayakin ang seguridad sa pagkain, ligtas at masustansiya para sa bawat mamayang Pilipino hindi lang ngayon kundi pati narin sa hinaharap”, pahayag ni Callao.

Itinampok din sa kaganapan ang mga pagpapahayag ng suporta mula sa iba’t ibang ahensya kung saan lahat ay nagpahayag ng kanilang pangako sa pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition 2023–2028, na naglalayong bumuo ng isang bansang ligtas sa pagkain at nutrisyon.

Storya: Jovyjane Ganat

Litrato: National Nutrition Council Region 2