Nanguna ang Cagayan Valley matapos makapagtala ang Region 02 ng may pinakamaraming National Winners sa isinagawang 50th Gawad Saka: Parangal sa mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda Awarding Ceremony at Ugnayan sa pangunguna ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isinagawa sa Farmer’s Multi-Purpose Shed, DA-PhilRice, Science City of Muñoz sa Nueva Ecija noong June 30, 2025.
Narito ang mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t-ibang kategorya na nakatanggap ng tropeyo, certificate, at cash reward:
CROPS
Outstanding Cassava Cluster – Villaluna Multi-purpose Cooperatives
LIVESTOCK
Outstanding Dairy Carabao Raiser (Family Module) – Mr. Edy Allado
Outstanding Dairy Carabao Raiser (Semi-Commercial Category) – Mr. Reymon R. Abara
FISHERIES
Outstanding Fisherfolk (Aquaculture) – Mr. Arnel R. Santiago
INSTITUTION I
Outstanding Rural Improvement Club – Rural Improvement Club – Sta Maria
AGRICULTURAL SCIENTIST AND RESEARCHER
Outstanding Agricultural Researcher – Ms. Vanessa Joy F. Calderon
AGRICULTURAL EXTENSION MANAGER
Outstanding Agricultural Extension Manager – Ms. Hedie Arsenia R. Marquez
WORKER
Outstanding Agricultural Extension Worker – Ms. Jocelyn Ackangan
CROSS-CUTTING
Outstanding Rural Financial Institution (Non-Bank) – Diffun Saranay Development Cooperative (DISADECO)
Isinagawa rin ang Ugnayan (Open Forum) – isang espesyal na bahagi ng programa kung saan nagkakaroon ng bukas na talakayan sa pagitan ng Pangulo at mga Gawad Saka Awardees. Ang Ugnayan ay isang mahalagang oportunidad upang magkaroon ng direktang pakikipag-ugnayan, maihayag ng mga awardees ang kanilang mga isyu, maibahagi ang kanilang pananaw sa komunidad, at maibahagi ang kwento ng tagumpay at mga hamon mula sa kanilang mga karanasan sa sektor ng agrikultura. Nakasama ng pangulo ang mga awardee sa isang Q&A upang ibahagi ang mga programa ng administrasyon.
Binigyang diin ng Pangulo ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda.
“Kayo ang pag-asa ng agrikultura ng Pilipinas,” hayag ni Pangulong Marcos Jr. sa 43 national awardees.
Ipinagtibay din ni PBBM ang dedikasyon ng pamahalaan na palakasin ang suporta sa mga manggagawa sa sektor.
Taon-taon isinasagawa ang Gawad Saka bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mga natatanging ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa pagpapanatali ng isang masaganang agrikultura at maunlad na ekonomiya tungo sa Bagong Pilipinas.
Storya: Jackilou Tumaliuan