Kaugnay ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolkโ€™s Month at ng muling paggagawad ng Participatory Appreciation System (PAS), opisyal na inilunsad ang Agri-Van ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) noong ika-5 ng Mayo 2025 sa Nursery Compound, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Pinangunahan ang aktibidad nina Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino, Regional Technical Director for Operations and Extension Dr. Roberto C. Busania, Regional Technical Director for Research and Regulations Ms. Kay S. Olivas, RAFIS Chief Mr. Hector U. Tabbun, at Information Officer II Ms. Jhoana M. Bassig.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng programa sa pamamagitan ng isang seremonyal na pagbabasbas ng Agri-Van na pinangunahan ni Pastor Manimarico Callao, Agriculturist II mula sa Field Operations Division. Kaagad naman itong sinundan ng isang ceremonial start-up ng nasabing van.

Bukod sa DZDA 102.5 Radyo Pangkaunlaran โ€“ ang opisyal na radyo ng DA RFO 02 โ€“ isa na rin ang Agri-Van sa mga pangunahing instrumento ng pagpapalaganap ng impormasyon. Pinondohan ito sa ilalim ng 2024 National Rice Program at pamamahalaan ng DA Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS). Layunin nitong mas mapabilis at mas maging epektibo ang paghahatid ng impormasyon hinggil sa agrikultura sa mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon.

Ang van ay may kasamang audio-visual equipment na makatutulong sa pagbibigay ng kaalaman at impormasyon, lalo na sa mga malalayong lugar sa Lambak ng Cagayan. Isa itong patunay ng matatag na paninindigan ng ahensya bilang isang Dedicated Agency โ€“ Delivering Outstanding Services (DA-DOS).

Tara na sa Biyaheng Agri sa Lambak ng Cagayan!
Makinig, manood, at matuto.
Kita-kits, mga minamahal naming magsasakaโ€™t mangingisda sa Rehiyon Dos!

via Paul Buenavista
Photos: Erwin Cachero