Ibinida ang mga natatanging lutong-bahay mula sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Cagayan Valley sa isinagawang โ€œSearch for the Most Outstanding Native Delicacy in Cagayan Valleyโ€ na inilunsad ng Department of Agriculture Regional Office No. 02 (DA-RFO 02) sa pamamagitan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kalutong Pilipino noong Abril 11, 2025 sa Robinsons Place Tuguegarao City.

Sa temang โ€œSarap ng Pagkaing Pilipino, Yaman ng Kasaysayan, Kultura, at Pagkatao,โ€ layunin ng programa na kilalanin at itampok ang mga katutubong pagkain ng rehiyon na bahagi ng mayamang kulturang Pilipino.

Ang mga kalahok ay nagmula sa pangkat ng FCAs, LGUs, at maging pribadong sektor sa buong Lambak.

Nasungkit nina Gng. Noeryn C. Supnet at Bb. Rodelyn Q. Abalus mula sa Iguig, Cagayan ang unang pwesto sa kanilang inihandang Ube Espasol at Sapin-Sapin Roll. Tumanggap sila ng premyong Php10,000.00 at pinarangalan din bilang Best in Plating.

Samantala, itinanghal na ikalawang pwesto sina Bb. Khia T. Danao at Bb. Esmaru T. Danao mula Peรฑablanca, Cagayan, sa kanilang espesyal na Twit at Finiritu na Birut. Tumanggap sila ng Php6,000.00 at hinirang ding Best Ulam.

Pasok din sa top three sina Gng. Malou Gonzaga at Gng. Imelda Valencia sa kanilang bersyon ng Ginataang Manok sa Bulaklak ng Papaya at Empanada galing sa Santiago City, Isabela. Nakatanggap sila ng Php3,000.00 at itinanghal na Best Merienda.

Nakatanggap din ng consolation prize na Php2,000.00 ang dalawa pang kalahok, kabilang na sina Gng. Zoraida E. Miguel at Gng. Avelina Galletes ng Solana, Cagayan sa kanilang paghahain ng Mundung-go at Patupat. At ang mag-inang Jay-r Ola at Gng. Perlita Ola naman mula Tuguegarao ay pinarangalan bilang Most Native Dish.

Lubos ang pasasalamat ni Noeryn C. Supnet sa Department of Agriculture sa pagkilala at pagtatampok ng mga lokal na putahe ng rehiyon.

“Napakaganda po ng programa ng DA na Search for Most Outstanding Native Delicacy dito sa Cagayan Valley dahil hindi lamang nito naishoshowcase ang iba’t ibang talento ng ating mga kapwa food enthusiasts na kagaya ko bagkus ay kinikilala din nila ang mga native delicacies ng rehiyon na maaari nating ipagmalaki bilang sariling atin,”

aniya. Nagsilbi namang mga hurado sa naturang patimpalak sina Ms. Francine Torres-Collado Owner, Honey Bakes Cafe, Ms. Venie Marie Telan Fire Officer 1, Vlogger (Annamay TV), Mr. PJ Cabanos Vlogger, Tuguegarao Lokal Reviews, at Ms. Nerissa L. Malabad, Retired Nutritionist IV, DOH Region 02.

Sa kabuuan, pinatunayan ng mga kalahok na ang Cagayan Valley ay tahanan ng mga masasarap, makulay, at maipagmamalaking pagkaing Pilipino na tunay na bahagi ng ating pagkakakilanlan at kasaysayan.

 

Via Jackilou Tumaliuan

Photos: Erwin C. Cachero