Inihayag ni Brgy. Capt. Tirso Dolor ng Sta. Cruz, San Manuel, Isabela sa katatapos na Operations and Maintenance Audit na isinagawa nang Regional Operations and Maintenance Audit Team ng Department of Agriculture Regional Field Office No.2 (DA RFO 2) na patuloy na napapakinabangan ang farm-to-market road simula nang mai-turn over ang proyekto noong Hunyo 2018.
Ang kalsada na 6.59 kilometro ay nagsilbing daan upang makapasok ang mga bagong negosyo na nagbibigay trabaho sa mga residente ng nasabing barangay. “Hindi lang sa agrikultura nakatulong itong FMR, sa katunayan may isang negosyo rito ang nakapigbay nang mahigit sa isang daang trabaho sa industriya ng turismo,” saad ng kapitan.
Ayon sa kapitan malaking tulong din ang kalsada na mapabilis ang oras ng biyahe mula sa karaniwang 45 minuto. “Sa ngayon umaabot na lamang sa 5-10 minuto,” panghuli ni Dolor.
Sa pagbaybay ng grupo sa naturang FMR, tiningnan at inobserbahan nila ang lagay ng kalsada upang maipaalam sa mga kinakaulan ang pwedeng maging resolusyon sa anumang resulta ng audit.
Sinabi ni Bernadette Galoso, M & E unit head ng DA Philippipine Rural Development Project Regional Project Coordination Office 2 na importante umano na tingnan ang kalagayan nang naibigay na imprastraktura upang mabigyang abiso ang mga opisyales ng barangay kung mayroon mang dapat gawin upang maging maayos at patuloy na mapakinabangan ng taumbayan.
Samantala ininspeksyon din ng IBUILD at GGU ang nasabing FMR.
Sa kabilang banda ang FMR ay tugon sa dairy industry ng probinsiya, at ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php 64M na nasasakupan ng mga barangay ng Sta. Cruz at District III sa San Manuel, Isabela.
Kasama rin sa audit ang mga representative ng PPMIU Isabela sa pangununa ni PRDP Action Officer Rizalina Valencia at MPMIU San Manuel, Isabela si Engr. Geoffrey T. Jose.