Lumahok ang ilang miyembro ng Enrile Multi-purpose Cooperative (EMPC) sa isinagawang public consultation ng Department of Agriculture — Philippine Rural Development Project (DA PRDP) upang pagusapan ang mga proyektong maaaring matanggap ng grupo upang mas lalong maitaas ang antas ng produksiyon at marketing ng mani sa Enrile, Cagayan.
Pinangunahan ang public consultation ng mga representative ng IREAP component at ng Social at Environmental Safeguards (SES) upang ipaalam sa mga miyembro kung ano-ano ang mga proseso, at benepisyo na nagaantay sa nasabing kooperatiba.
Sinabi ni Nilo Aquino, Business Development officer na ang posibleng tulong na matatanggap ay ang warehouse, processing facilities, peanut shellers, tractors, trucks, binhi at trading capital bilang bahagi ng kanilang enterprise.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni EMPC Chairman Diego Quinto na ang ganitong mga interbensiyon ay may malaking dulot at ginhawa sa kanyang mga miyembro lalong lalo na at ang Enrile ay idineklarang Peanut Capital of the Philippines. “Magiging malaking tulong ang DA PRDP sa pagkamit natin ng mas mataas na at kita.”
Inihayag ni Engr. Alwyn Balbas, associate SES officer, ang mga impormasyong dapat malaman ng mga miyembro lalong lalo na sa mga alintuntuning dapat sundin sa aspeto ng pagseguro sa kapanakan ng mga mamamayan at kalikasan.
Mahalaga ang mga ganitong konsultasyon, ayon kay Aquino dahil sa mga dayalogo malalaman ang mga bawat hinaing bago pa man simulan ang proyekto.
“The conduct of PUBLIC CONSULTATION is essential in the pre-implementation stages of a proposed subproject. It is a proper venue where target project beneficiaries and identified project-affected persons can freely express their concerns and issues with the proposed project likewise, be given the exact information of the project, its effects, and mitigation plans to ensure no person and livelihood is drastically affected by it,” dagdag ni Aquino.