“Nag-umpisa sa hamon sa pagtatanim ng anumang ornamental plant hanggang sa pakikiisa sa Plant Plant Plant Program (PPPP) ng Department of Agriculture (DA).”

Ito ang salaysay ni Vice Mayor Olivia B. Pascual ng Lallo, Cagayan sa panayam ni Rural Broadcaster Ding Fuggaban sa DZDA FM ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02).

Ayon kay Pascual na dating board member ng Cagayan, nag umpisa ang paglikha ng “Plant A Day Challenge” program nang nag-umpisa ang mahigpit na galaw ng mga tao sa COVID 19 lockdown.

Aniya, para di mabagot ang mga tao, sinubukan niyang kumuha ng larawan ng isang tanim sa kanyang bakuran at inilabas sa Facebook upang hamunin kung sino ang may naitanim at tularan ang kanyang ginawa.

Salaysay pa niya, anim agad ang naunang sumali sa hamon ng “Plant A Day Challenge” hanggang sila ay dumami.

Napag-isip umano niyang gamitin ang magandang tugon o reaksiyon ng kanyang mga kababayan sa layunin ng Plant Plant Plant Program ng DA.

Sa maikling pakidaup palad ng Sangguniang Bayan na kanyang pinamumunuan kay Lal-lo Mayor Florence Oliver B. Pascual, napagkasunduang itaguyod ang Plant A Day Challenge na kahanay ng Plant Plant Plant Program.

Dugtong ng Bise Mayor na sa ngayon mayroon nang isandaang indibidual na karamihan dito ay mga miyembro ng kanilang Rural Improvement Club (RIC) ang gumagalaw sa Plant A Day Challenge. Ang bawat RIC o indibidual ay maging “multiplier” ng programs.

Naipagmalaki pa nya na meron pang mga taga ibang lugar at bansa ang tumutugon at tumatanggap sa kanyang hamon.

Habang isinusulat ang balitang ito, nasa ika-14 na araw na ang nasabing challenge re karamihan tinatanim ay mga gulay.

Inaasahan niya na sa paglobo ng kasali sa DA program, malamang ang kaisipang ito ay dadaloy sa ibang lugar maliban sa Lal-lo.

Pahabol pa niya na natutuwa siya sa rekomendasyon sa nasabing panayam na isali sa programa ang mga kabataan upang maunawaan ang munting kahulugan ng agrikultura.

Matatandaan na ang Rural Improvement Club (RIC) Sta. Maria Lal-lo ay ginawaran nitong taon bilang BEST RIC sa buong rehiyon.

Samantala, ang Lal-lo mismo ang ibinanderang Hall of Fame awardee sa buong Pilipinas sa pagtaguyod ng National Nutrition Council (NNC).

Tiniyak din ng National President ng National Federation of Women’s League na tanggap ng Lal-lo ang Balik Probinsya program na kalakip ang buhay pagsasaka na sinusuportahan din ng todo ng DA sa ngayon.

(With reports from Mr. Domingo Fugaban, President, PAJ Region 2)

#PlantPlantPlantProgram

#PlantADayChallenge

#ThanksMLGULallo

#WeHealAndWinAsOne