Hindi na lang gulay, prutas, isda, karne at iba pa ang mabibili sa KADIWA ni Ani at Kita kundi mais.
Sa araw na ito sa pamamagitan ng KADIWA on Wheels ay makakabili ang mga taga Quezon, Nueva Vizcaya ng sweet corn para mayroong ibang pagpipiliang pangkain para sa kanilang pamilya.
Ang produkto ay galing sa mga assisted farmer cooperators sa Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya sa isinasagawang Income Rise in Rainfed Rice Farming: Intensification of Promotion of Location Specific Cropping System in Low Yielding Areas in Region 02 (Seed Production).
Ito ay isang Research and Development (R&D) project na isinasakatuparan ng Nueva Vizcaya Experiment Station (NVES) at Research Division ng DA-Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) na naglalayong pataasin ang kita ng mga magsasaka sa panamagitan ng corn and squash intercropping after rice.
“Magdadala kami ngayon ng mais sa Quezon galing sa ating mga magsasaka para matulungan sila sa kanilang marketing activities,” ani G. Zaldy Bulda, project leader at technical staff ng NVES.
“Pwede rin itong gawing staple food ng pamilya lalo kung may kakulangan sa bigas.”
Sa araw na ito, patuloy ang operasyon ng KADIWA ni Ani at Kita sa mga probinsiya ng lambak Cagayan.
Nakikiusap ang DA-RFO 02 sa mga mamimili na obserbahan ang protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.
Samantala, ayon sa latest report ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), umaabot na sa apat na milyong piso ang sales ng KADIWA na kinabibilangan ng 40 munisipiyo, 91 barangays at 8,009 households sa Cagayan Valley.
(With reports and photos from Mr. Zaldy Bulda of NVES and Mr. Bernard Malazzab of AMAD).
#KADIWANiAniAtKita
#WeHealAndWinAsOne