Tuluy-tuloy ang operasyon ng Kadiwa ni Ani at Kita sa buong lambak ng Cagayan ngayong semana santa.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02), ang Kadiwa ay isinasagawa sa lahat ng probinsiya ng Cagayan Valley.

Nananawagan si Edillo sa mga nagpaplanong pupunta sa mga Kadiwa outlets na magsuot ng face mask at obserbahan ang social distancing para maiwasan ang posibleng pagkahawa sa COVID19 virus.

“Kami po ay nananawagan sa mga individual farmers at kooperatiba na makipag-ugnayan sa aming tanggapan kung gustong magtinda ng mga gulay, prutas, karne, isda at iba pang produkto upang mapanatili ang sapat na supply sa ating mga outlets,” aniya.

“Maaari din kaming tutulong sa pagbiahe ng mga produkto dahil sa tindi ng mga checkpoints ngayon. Ito ang pagkakataon na matulungan natin ang ating mga magsasaka at mangingisda sa marketing ng kanilang mga produkto.”

Idinagdag nito na ang DA ay nagbibigay ng food pass para sa mga biahero ng mga agricultural products bilang suporta sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa unhampered/unimpeded movement of agricultural products.

Matatagpuan ang Kadiwa outlets DA regional office at sa mga research outreach stations nito sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes.

Maliban sa on-station, isinasagawa din ang Kadiwa on Wheels na kung saan umiikot ang mga ito sa ibat-ibang lugar sa mga probinsiya.

#KadiwaNiAniAtKita
#DACares
#BeatCOVID

(With reports form Hector Tabbun)