Umaabot na sa 2,680 food pass ang naiproseso ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) hanggang kahapon, Marso 25, 2020 mula sa buong Cagayan Valley.
Ayon kay Ms. Ma. Rosario U. Paccarangan, Chief, Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga food pass ng DA sa mga interesadong producers at truckers ng agricultural products.
Hinihikayat pa rin ng DA na makipag-ugnayan sa mga DA offices upang makatulong sa food availability sa mga lugar-lugar na apektado ng enhanced community quarantine.
Maaring tumawag sa mga hotlines na nakalagay sa infographics sa baba para sa detalye.
(With reports from Hector Tabbun)