Magbubukas ang Kadiwa ni Ani at Kita bukas, Marso 24, 2020, alas otso ng umaga, sa DA-Multi-Purpose Cooperative, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Agriculture Secretary William D. Dar na panatilihing sapat ang pagkain lalo na sa mga lugar na apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Aniya, isusunod na gagawin ang Kadiwa on Wheels upang mas mailapit ang mga produktong pagkain na kailangan ng mga mamamayan sa kani-kanilang lugar.

“Isasagawa din ang Kadiwa sa mga istasyon ng DA kada probinsiya ng rehiyon sa mas lalong madaling panahon,” dagdag ni Edillo.

Pinapayuhan din ng ahensiya ang publiko na ipaalam lang sa DA kung anong mga produkto ang kanilang kailangan para maabisuhan ang mga producers.

Ilan sa mga mabibili bukas sa Kadiwa ay lowland gulay, daing at iba pa.

#KadiwaNiAniAtKitaOnTheGo
#TowardsFoodAvailability