Simula ng mailunsad ang programa ng gulayan sa paaralan noong 2007, maraming mga bata sa bansa ang naging pangunahing benepisaryo nito.
Pinarangalan ngayong araw ang mga natatanging mga paaralan sa elementarya at sekondarya bilang mga 2019 School Garden Best Implementers sa Department Agriculture (DA) of Regional Field Office No. 02 Gymnasium, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon kay Gerard Neri Aranas, national gulayan sa paaralan focal person, kinikilala ang programang ito sa buong mundo bilang isang matagumpay na proyekto.
Sinabi nito na tatlong konsepto ang itinatahi ng pamahalaan sa programang ito, una ay ang paghihikayat sa mga kabataang bumalik sa pangunahing kabuhayan ng kanilang mga magulang ang pagsasaka, pangalawa ay ang tamang nutrisyon na kasama sa kampanya ng DA at Department of Education bilang tugon sa food safety act ng bansa at ang panghuli ay upang matulungang maging food self sufficient ang bansa.
“Ang vegetable gardening in schools o ang ‘Gulayan sa Paaralan’ project ay inilunsad ng Department of Agriculture at Department of Education noong 2007. Layunin ng proyekto na mapalawak ang kamalayan sa nutrisyon at matugunan ang malnutrition sa school children sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa mga paaralan,” ani Regional Executive Director Narciso A. Edillo sa paunag bungad ng kanyang talumpati.
Isusulong ni Senator Cynthia Villar, ang Chairman ng Committee on Agrarian Reform Agriculture and Food, and Committee on Environment and Natural Resources, ang isang panukalang batas na magpapatupad sa vegetable planting sa mga paaralan upang matugunan ang malnutrition sa mga estudyante.
Sa isang eskuwelahang nabisita ni Senator Villar sa Iloilo, napansin niya na ang kanilang school na may pananim na mga gulay, bawat pananghalian ay dumarating ‘yung mga nanay by turns at nagluluto ng gulay na itinanim ng mga bata at pinakakain sa mga bata.
Napansin ng mambabatas na nalutas nila ang malnutrition nila at kumita pa ang school kasi sumobra ang mga gulay na hinarvest. Naisip ng senadora na kung lahat ng eskuwelahang public ay ito ang gagawin, masosolusionan ang malnutrition na walang hirap ang gobyerno.
“It may be recalled that in 2018, around 500 schools in the entire Cagayan Valley participated in the Gulayan sa Paaralan Project with P5M support. Implementation of the project continued last year with the increased funding support of P7.2M and increased school participation of 600,” dagdag pa niya.
Ang apat na panalo ay tinukoy sa apat na kategorya: Ilagan South Central School ng siyudad ng Ilagan bilang panalo sa Central Category, Larion Alto Elementary School ng Tuguegarao City bolang panalo sa Non-Central Category, Raniag National High School ng Raniag, Ramon, Isabela para sa National High School Category at ang Villa Luna High School ng Cauayan City.
“We realize the importance of teacher-and-student involvement in the program so that they will become self-reliant and self-sufficient in addressing the nutritional deficiency among youngsters. It is expected that both will gain skills that will help not only themselves but the community they are in, as well,” dagdag ni Edillo.
Ang mga grand prize winners ay nakatanggap ng 88,000 pesos halaga ng planting materials para sa 1st place, 75, 000 pesos sa 2nd place at 60,000 pesos sa 3rd place habang 20, 000 pesos na halaga sa mga grand finalists.
“The GulaYan Projects provide (ANI) food security and promote independence from food imports for island provinces and municipalities (Boracay, Batanes, Masbate) and remote communities,” ani ni Aranas.
“The GPP did not only enlighten the youth’s green minds, it has also gone beyond the confines of the school and gave birth to the other GulaYan (Gulayan ng Bayan) initiatives (Gulayan sa Barangay, Urban Agriculture, Gulayan sa Parokya and Gulayan sa Kampo) with the component of entrepreneurship (KITA) for project and garden sustainability,” dagdag nito.