Ang Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon Dos sa pamumuno ni Regional Executive Director Naciso A. Edillo ay nakiisa sa pagtaguyod ng isang Financial Inclusion Caravan na kung tawagin ay Ipon at Kabuhayan para sa ating Kababayan.
Ito ay sa pangunguna ni LandBank of the Philippines President and CEO Ms. Cecilia Boromeo na naganap noong September 7, 2019 (Sabado) sa Sto. Nino Cagayan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit kumulang 500 na magsasaka mula sa naturang bayan. Ang pangunahing layunin nito ay para ipaalam sa mga tao lalong-lalo sa ating mga magsasaka ang iba’t-ibang programa ng LandBank na maari ma avail sa kanilang pagsasaka. Ito ay ang mga sumusunod: ACEF o Agricultural Competitiveness Enhancement Fund, APCP o Agrarian Production Credit Program, Rice Competitiveness Enhancement Fund Credit Program at iba pa.
Dahil dito, may mga magsasaka nang nakatanggap ng kani-kanilang loan mula sa mga nasabing programa. Kasama ang nasabing aktibidad ang ama ng Lalawigan ng Cagayan na si Hon Governor Manuel N. Mamba na kung saan hinikayat ang bawat isa para makiisa sa pagbabago upang makamit ang progresibong bayan.
Kasama rin dito ang ama ng Sto. Nino na si Hon. Mayor Vincent G. Pagurayan na lubos ang pasasalamat dahil sa kanilang bayan unang iniludsad ang nasabing caravan.
Dumalo din ang mga iba’t-ibang sangay ng gobyerno gaya ng DAR, PCIC, mga EVPs at AVPs at mga emplyado ng LandBank of the Philippines.
Inilunsad din dito ang Agent Banking Program ng LBP na kung saan ang Sto. Nino Credit and Development Cooperative ay ang unang accredited beneficiary ng programa.
Ito ay para mapadaling maiparating ng mas maaga ang usaping pinansyal sa pagbabangko sa ating mga magsasaka at mangingisda.