Naalala niyo ba kung kailian ang huling kain niyo ng karne ng kambing? Kaldareta, dinakdakan o adobong kambing ilan lamang sa naihahanay na sikat na luto na hango sa sikat na sikat na livestock product na ito.
Sa umuusbong na industriyang ito ay ang mga goat raisers na patuloy na nagpapaalala na may pera pala sa paghahayupan.
Sa Enrile Cagayan nakilala namin si G. Seferino Damil, walong taon ng nag-aalaga ng kambing. Sambit niya “sa taong 2010 nagsimula akong tulungan ng Department of Agriculture Region 02, sa pamamagitan ng dispersal na ‘yon ay dumami ang aking alagang mga kambing.”
Sa ngayon ang 2-3 months old na kambing ay naibebenta niya ng Php 6,500 kada piraso na siyang nakatulong sa kanyang pamilya na maiangat ang antas ng kanilang buhay.
“Malaking tulong sa katulad naming small time farmers, ‘yung length of time na nag-alaga ako since year 2000 ay ang mahirap talaga sa umpisa at salamat sa DA sa tulong nilang mga training at technical assistance na nagpaginhawa sa buhay naming,” dagdag ni Damil.
Sa taong 2011, nangutang ng puhunan si G. Vicente Binarao sa DA Nueva Vizcaya Experiment Station (NVES). Mula noon nagsimulang nag-multiply ang bilang ng kaniyang mga kambing.
“After 3 years nabayaran ko ang inutang ko sa NVES at doon nagsimulang dumami ang aking mga kambing na naibebenta ko na sa karatig bayan ng Roxas, Quezon at sa Tuguegarao City,” ani ni Binarao.
Sa pagnanais niyang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya nagsumikap si Vicente na palaguin ang kaniyang negosyo sa pamamagitan ng pagdalao sa mga trainings na ipinagkakaloob ng DA ng libre.
Sa kasalukuyan lahat ng kaniyang walong anak ay napagpatapos niya ng kolehiyo na galing lamang sa katas at tamis na suwerte na hatid ng goat raising na sinimulan niya sa kaniyang bakuran.
Hindi na bago sa atin na mamangha kung nakakasalamuha tayo ng isang propesyonal na pumpapasok sa pagsasaka. Kaya itatampok din namin ngayon ang isa sa mga pinakamatagumpay sa larangan ng goat raising sa probinsiya.
“Bata pa lang ako ay nais ko na talagang pasukin ang goat raising, tama naman na kapag mahal mo ang ginagawa mo ay walang masasayang na oportunidad na ilalatag sa iyo,” inihayag ni Atty. Carlo Paulo Lasam sa isang panayam sa kanyang malawak na farm sa Solana, Cagayan.
Advantage kung ituring niya ang negosyong ito dahil malapit lang kasi ang istasyon sa kanyang farm. Kaya naman sa lahat ng tulong ng DA RFO 02 sa kanya nais pa rin niyang i-highlight ang bawat ambag ng ahensya sa kanilang mga goat raisers na natutulungang mapalawig ang kanilang kaalaman sa aspetong teknikal. Abogado man sa mata ng ibang tao ay kaya rin niyang magsaka. Patok ‘di ba? Naniniwala kasi Lasam na ang pagiging magsasaka ay nakatulong sa kanya na mag-ambag ng suplay sa kulang na demand ng karne ng kambing sa mga pamilihan.
Ang DA Southern Cagayan Research Center- Cagayan Breeding Station (SCRC-CBS) sa Maguirig, Solana, Cagayan ay siyang pangunahing istasyon na pinagkukunan ng kaalaman at materyales sa mga gustong matuto sa pagkakambing.
At bilang nucleus farm, ang istasyon ay nagbibigay ng stocks sa mga interesdaing magsasaka, asosasyon, local na pamhalaan at iba pang mga stakeholders para padamihin ang ganitong mga uri ng breed.
At sa masidhing paghihikayat ng istayong ito na subukan ng mga magsasaka na pumasok sa ganitong negosyo nag-import and DA RFO 02 ng mga mga magagandang lahi ng kambing tulad ng Boer at Kalahari red.
Ang lumo-lobong demand ng kambing sa merkado ay siyang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang pag-aalaga ng mga raiser na ito na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.
Hindi ba’t nasa goat ang sagot kung bakit umuunlad ang ating mga magsasaka?
Kaya sugod na sa Cagayan Breeding Station!