Sa unang araw ng pagbubukas ng dalawang araw na Cagayan Valley Business Convergence 2019 na may temang “Together Towards Tommorrow” na idinaos sa Crown Pavillon, Tuguegarao City, Cagayan, March 7, 2019, nagbigay ng suporta ang mga pinuno ng iba’t-ibang ahensiya na dumalo sa naturang programa.
Naging pangunahing panauhing pandangal si Vice President Maria Leonor Robredo. Sa kanyang mensahe, kanyang inilahad kung paano nabago ang pamumuhay ng ilan sa mga pinakamahirap na mamayang Pilipino sa ating bansa sa pamamagitan ng programang “Angat Buhay”.
Aniya, “Nag-umpisa kami sa pagsisiyasat ng 20 “poorest of the poor provinces” sa buong Pilipinas. Inumpisahan namin ito sa pag-adopt ng 50 grupo at masaya kami dahil nadagdagan ito at naging 75 sa kasalukuyan sa tulong ng iba’t-ibang publiko at pribadong sektor katulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.
Inilahad din niya kung papano nakabangon ang mga Onion Growers ng San Jose City, Nueva Ecija sa tulong ng “Angat Buhay”. Kung dati ang hangad ng mga anak ng mga nasabing onion growers ay ang lumuwas ng Maynila upang maging call center agent, sa ngayon ay hindi na, bagkus bumabalik sila sa kanilang lugar upang magsaka dahil sa tulong ng isang tanyag na Foundation.
Samantala, sa kanyang mensahe ng suporta, ipinabatid ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo ng Department of Agriculture Regional Field Office no. 02 ang kanyang pasasalamat sa lahat lalung-lalo na sa mga magsasaka at mangingisda, pribadong sector at iba’t-ibang ahensya na malaki ang naging kontribusyon upang maabot ang kasapatan sa pagkain dito sa Rehiyon Dos.
Sinabi din ni Edillo, na ang sector ng agrikultura dito sa rehiyon dos ay nagpapakita ng isang kahanga-hangang kakayahan upang tumugon sa mga hamon ng pabago-bagong panahon.
“Sa implementation ng aming agricultural roadmap, good progress has been made at naobserbahan sa mga proyekto na nakatuon sa food safety and quality standards for our agri-food products kagaya ng Cagayan Valley Integrated Agricultural Laboratory na ngayo’y tapos at operasyonal na. Dagdag pa dito, ang DA-RFO 02 ay ang kauna-unahang Regional Office sa buong Kagawaran ng Pagsasaka na nakatanggap ng ISO Certificate to be at par with international Standard. Sa katunayan ang rehiyon dos ay may sufficiency level for rice na 289% at nanatiling top-corn producing region sa buong Pilipinas na may kabuuang 23% kontribusyon to the national production”, paglalahad ng Edillo.
Dagdag pa niya na ang iba’t-ibang mga ahensiyang dumalo, mga pribadong institusyon katuwang ng mga lokal na pamahalaan ay kag’yat na tumatalima sa pagbibigay ng sapat at agarang serbisyo para sa lahat. “Sa katunayan, itinuturing po naming kayong lahat na mamamayan hindi lang bilang investment for progress kundi PARTNERS for a prosperous region, pagpapaliwanag ni Edilllo.
Kanya ring tinalakay ang “Trade Liberalization Law o RA 11203”. Iginiit ni Edillo na ang nasabing RA 11203 ay commitment ng sambayanang Filipino sa World Trade Organization noong 1995 at hindi lang ang Kagawaran ng Pagsasaka. Dagdag pa niya na bagaman malaya na ang pagpasok ng mga produktong palay mula sa iba’t-ibang ASEAN countries, ang kainaman naman ng nasabing Batas ay malaya din ang sambayanang Pilipino na mag export ng kani-kanilang produkto lalong-lalo na ang black rice.
“The key to the development of our agriculture sector is the development of agribusiness, which emphasizes smarter and more technologically driven farming, and the development of the infrastructure needed to support the marketing advantages of smart – farming business”, Edillo stressed.
Ayon pa kay Edillo, sa usapin ng business investments, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Pagsasaka sa iba’t-ibang mga institusyon upang palakasin ang industriya ng agrikultura sa rehiyon. Dagdag pa niya, nakatuon ang buong Kagawaran na panatilihin at palawakin ang pakikipagtulungan sa pribadong sector upang mapabilis ang pamuhunan sa mga makabagong teknolohiya kagaya ng “solar powered irrigation” para sa mga magsasaka at mangingisda.
“ By joining forces, we are securing the required frameworks in making our sustainable agriculture a reality”, galak na sinabi ni Edillo.
Sa hapon, tinalakay din ang mga programa ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sector kagaya ng CEZA, Build-Build-Build ng DPWH , Small Enterprise Technology Upgrading Program 2.0 ng DTI at DA Programs and Services (Livestock, Rice, Corn, High Value Crops, Organic Agriculture at Credit Facility).
Nagkakaroon din ng open forum pagkatapos matalakay ang tatlong topiko upang mas lalong maliwanagan ang mga participants sa mga issues and concerns na may kaugnayan sa mga topikong natalakay..
Ang nasabing Business Convergence 2019 ay dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno dito sa rehiyon dos, mga entrepreneurs, media practitioners, studyante, mga PCCI members nationwide at iba pang stakeholders hindi lamang dito sa rehiyon dos kundi maging sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Muling napatunayan na sa pagtutulungan at pagbubuklod-buklod (pagkakaisa ng iba’t-ibang sektor ng lipunan) maging publiko at pribado man ay maghahatid ng malaking tulong upang maiangat ang kabuhayan ng ating pamayanan.
(Photos by VP Leni Robredo and Ms. Barby Lagajet, DA-RFO 02 RAFIS)