Isa pang watershed development project ang inilunsad kahapon ng DA-Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) sa Bayan ng Quirino, Isabela.

Sama-samang nagtanim ang mga miyembro ng Small Water Impounding System Association (SWISA) ng Barangay Luna, mga residente, opisyales ng MLGU Quirino, DA, DENR at marami pang iba sa paligid ng Small Water Impounding Project (SWIP).

Ang mga naitanim ay mangga, pinya, saging, kardish at iba pa.

Ayon kay Engr. Isaias Francisco ng DA-RFO 02, tuluy-tuloy ang paglulunsad ng ganitong mga proyekto upang maiwasan ang problema sa soil erosion, siltation at higit sa lahat mapanatili na epektibo ang serbisyo sa patubig sa SWIP.

“Ang hangad natin ay tatagal ang proyektong ito at mapakinabangan pa ng ating mga anak, apo at kaibigan,” aniya.

Nagpasalamat naman si Ginoong Justito Borja, Presidente ng SWISA sa DA at DENR sa patuloy na pag-alalay sa kanila.

“Noon ay panaginip lamang ito. Masaya kami dahil ang inyong ibinigay na tulong ay naipasakamay na sa amin,” ani Borja.

Nagbigay ang DA-RFO 02 ng mga garden tools, irrigation paraphernalias at seedlings para sa tuluy-tuloy na development sa lugar.

Ang Luna SWIP ay mayroong 60 ektarya na service area at 70 households.

Umaabot naman sa 105 ektarya and watershed nito na kung saan limang ektarya ang nailaan para sa intervention.

#WatershedDevelopmentContinues
#IwasSoilErosionKayaNatin