Sa kabila ng mga usapin tungkol sa rice shortage, matagumpay na naisagawa ang 2017 Rice Achievers Cluster-Wide Awarding Ceremony kahapon sa Hotel Elizabeth, Baguio City.
Ang kauna-unahang clusterwide awarding ay dinaluhan ng tatlong rehiyon ng Cordillera, Ilocos Region at Cagayan Valley.
Ang naturang prestihiyosong award ay naglalayong mabigyan ng parangal ang mga Local Government Units (LGUs), Agricultural Extension Workers (AEWs) at Local Farmer Technicians (LFT) na nagbigay ng malaking kontribusyon sa rice production sa kanilang mga nasasakupan.
Naging panauhing pandangal si Director Lorenzo M. Caranguian, bagong talagang Special Assistant ng Office of the Secretary (OSEC) ng Department of Agriculture (DA).
Iisa ang naging mensahe ng tatlong Regional Executive Directors na sina Lucrecio R. Alviar, Jr. ng Ilocos, Narciso A. Edillo ng Cagayan Valley at Cameron Odsey ng Cordillera.
Ito ay ang pagtutulungan ng mga ito upang makamit ang rice self-sufficiency sa buong bansa na siyang layunin ng kagawaran na pinamumunuan ni Secretary Emmanuel F. Pinol.
Ang mga rehiyong nabanggit ay mayroong mahigit na tatlumpong porsiyentong ambag sa national rice production ayon sa statistics.
Ayon pa rin sa tatlong direktor, ito ang dahilan kung bakit mahalaga na palakasin pa ang pagbibigay tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng tulong ng mga lokal na pamahalaan.
“Sumasaludo kami sa inyo mga mahal na awardees dahil sa napakahalagang tungkulin para matulungan ang mga magsasaka sa inyong mga lugar,” sabi ni Caranguian.
“Alam ko na kayo ay good performer, mayroong hindi matatawarang abilidad at attitude kung kaya’t ang DA ay sumasaludo sa inyong lahat.”
Samantala, pinangunahan naman ng Cagayan Valley ang bilang ng mga awardees na mayroong isangdaang isa.
“Masaya ako dahil halos kalahati ng mga awardees ay galing sa Region 02,” ani RED Edillo.
Naging madamdamin ang kanyang pananalita sabay ang paghiling sa mga awardees na patuloy na tutulong sa pagkamit ng rice self-sufficiency na matagal nang inaasam-asam ng pamahalaan.
Ang mga Rice Achievers Awardees ng Region 02 sa Outstanding Provinces ay ang Cagayan at Isabela. Sila ay recipient ng P4M halaga ng proyekto na iginawad noong May 31, 2018 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Nabigyan naman ng Special Award ang Nueva Vizcaya na tumanggap ng P500,000.00.
Nakuha ng San Mateo, Isabela ang Outstanding Municipality at P1M worth of project bilang award.
Narito ang listahan ng mga Outstanding Agricultural Extension Workers ng Cagayan Valley na tumanggap ng Plaque of Recognition, token at cash awards: