Pinangunahan ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA-RFO 02), sa pamamagitan ng Organic Agricture Program ang pamamahagi ng Small-Scale Composting Facilities sa sampung eligible proponents ng rehiyon na ginanap sa Organic Hall, DA Compound, Tuguegarao City, ngayong araw, Hunyo 13, 2018.
“Itong mga makinaryang ibibigay ng DA ay makakatulong sa pagpapalago ng inyong mga aktibidad sa organic agriculture production”, sambit ni Regional Executive Director Lorenzo M. Caranguian sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga benepisaryo.
Ayon kay Regional Technical Director for Operations and Extension Robert Olinares, na ang mga pasilidad na ibibigay sa mga benipisaryo ay magagamit sa vermi composting, seedling production, at organic vegetable production. Kabilang sa mga equipment ay ang mga shredder machine, compost rotary, siever machine, vermitea brewer (30L), at ang establishment ng greenhouse facility.
Ayon kay George Caday, Agriculturist II, na ang mga pangunahing benepisaryo tulad ng academe at Local Government Unit (LGU) ay natukoy sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 10068 o Organic Agriculture Law.
Nagkaroon din ng technical briefing at aktwal na pagsasanay sa operasyon ng nasabing mga pasilidad. Ito ay upang matutunan ang tamang pamamahala sa mga makina at lalong mapakinabangan sa mas mahabang panahon.
Dumalo rin sa turn over ceremony ang bagong talagang auditor ng DA RFO 02 na si Resident Auditor Ms. Emerlinda D. Mabunga upang saksihan ang nasabing programa.
Sa kabilang banda naman, na-ideliver na ang mga materyales na gagamitin para sa konstruksiyon ng green house facility na ipapatayo sa Cagayan State University Piat Campus, sa Piat, Local Government Unit ng Cauayan City, Isabela, Nueva Vizcaya State University Bayombong Campus sa Bayombong, Nueva Vizcaya, Quirino State University sa Quirino, at Provincial Local Government Unit (PLGU) Batanes.
Ang mga benipisaryo ng Small Scale Composting Facilities ay ang mga sumusunod: Baggao National Agricultural School (Main), Baggao, Cagayan, LGU Allacapan, Cagayan, Ballesteros National High School, Ballesteros, Cagayan, Alfreda Albano High School, Maggasi, Cabagan, Isabela, Alicia National High School, Alicia, Isabela, LGU Echague, Isabela, LGU Aritao, Nueva Vizcaya, BLGU Inaban, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya, Quirino State University Diffun Campus, Diffun, Quirino, Itbayat National High School, Itbayat, Batanes.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng DA RFO 02 at ang kanyang stakeholders upang mas mapaigting ang kampanya ng kagawaran sa programa nitong organic agriculture.