Nakaposisyon na ang malaking bahagi ng suporta para sa mga rice farmers sa Isabela at iba pang probinsiya ng Cagayan Valley bilang paghahanda sa Dry Season 2026-2027, kasabay ng patuloy na delivery at pamamahagi ng hybrid rice seeds at iba pang farm inputs.

Mula September 9 hanggang October 7, 2026, may kabuuang 264,594 bags ng hybrid seeds ang inilaan para sa apat na probinsiya ng Cagayan Valley. Sa kabuuang allocation, 173,613 bags o 65.6 porsiyento na ang naihatid sa mga itinalagang drop-off points. Sa mga naihatid na ito, 6,903 bags na ang naipamahagi sa mga magsasaka, kung saan 4,542 rice farmers na ang nakatanggap ng interbensiyon.

Pinakamalaki ang alokasyon sa Isabela, na may 133,479 bags, kung saan 102,513 bags o 76.8 porsiyento na ang naihatid at 4,207 bags na ang naipamahagi. Sa Cagayan, mula sa 112,512 bags na alokasyon, 64,191 bags o 57.1 porsiyento na ang naihatid at 2,696 bags na ang naipamahagi.

Sa Nueva Vizcaya, may 10,803 bags na alokasyon, kung saan 4,327 bags o 40.1 porsiyento na ang naihatid. Sa Quirino, mula sa 7,800 bags na alokasyon, 2,582 bags o 33.1 porsiyento na ang naihatid.

Samantala, naitala na ang delivery ng hybrid rice seeds sa 84 local government units (LGUs) sa apat na probinsiya ng Cagayan Valley.

Sa Cagayan, kabilang ang mga sumusunod na munisipalidad/siyudad:

• Abulug

• Alcala

• Allacapan

• Amulung

• Aparri

• Baggao

• Ballesteros

• Buguey

• Calayan

• Camalaniugan

• Claveria

• Enrile

• Gattaran

• Gonzaga

• Iguig

• Lal-lo

• Lasam

• Pamplona

• Peñablanca

• Piat

• Rizal

• Sanchez Mira

• Santa Ana

• Santa Praxedes

• Santa Teresita, Santo Niño

• Solana

• Tuao

• Tuguegarao City

 

Sa Isabela, kabilang ang mga sumusunod na munisipalidad/siyudad:

• Alicia

• Angadanan

• Aurora

• Benito Soliven

• Burgos

• Cabagan

• Cabatuan

• Cauayan City

• Cordon

• Delfin Albano

• Dinapigue

• Divilacan

• Echague

• Gamu

• City of Ilagan

• Jones

• Luna

• Maconacon

• Mallig

• Naguilian

• Quezon

• Quirino

• Ramon

• Reina Mercedes

• Roxas

• San Agustin

• San Guillermo

• San Isidro

• San Manuel

• San Mariano

• San Mateo

• San Pablo

• Santiago City

• Santa Maria

• Santo Tomas

• Tumauini

 

Sa Nueva Vizcaya, nakatanggap na ng deliveries ang mga sumusunod na munisipalidad:

• Ambaguio

• Aritao

• Bambang

• Bayombong

• Diadi, Dupax del Norte

• Dupax del Sur

• Kasibu

• Kayapa

• Quezon

• Santa Fe

• Solano

• Villaverde

 

Sa Quirino, kabilang ang mga sumusunod na munisipalidad:

• Aglipay

• Cabarroguis

• Diffun

• Maddela

• Nagtipunan

• Saguday

Kasabay ng mga delivery, nagsimula na rin ang pamamahagi ng hybrid rice seeds sa mga magsasaka sa ilang lugar. Sa Isabela, kabilang dito ang Delfin Albano, Echague, Mallig, San Mariano, Santiago City, Tumauini, at Luna. Sa Cagayan, nagsimula na rin ang distribusyon sa Alcala, Enrile, Rizal, at Santa Ana.

Katulad ng isinagawang maagang pamamahagi ng farm inputs noong Wet Season 2026, layunin ng hakbang na maihatid nang mas maaga ang mga kinakailangang inputs upang mabigyan ang mga magsasaka ng sapat na panahon para mapaaga ang pagsisimula ng kanilang taniman at makapaghanda sa mga posibleng epekto ng El Niño at iba pang climate-related risks.

Sa ilalim ng interbensiyon, ang mga rice farmers na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay makatatanggap ng isang bag ng hybrid rice seeds kada ektarya, hanggang sa maximum na 10 ektarya bawat benepisyaryo.

Bukod sa hybrid rice seeds, makatatanggap din ang mga rice farmers ng wettable powder at liquid fertilizer bilang karagdagang suporta sa kanilang produksyon.

Hindi pa lahat ng kwalipikadong magsasaka ay nabigyan ng kanilang inputs dahil may ilang farmer beneficiaries na nasa maturity stage pa ang kanilang kasalukuyang taniman. Para sa mga ito, isasagawa ang pamamahagi batay sa kanilang cropping schedule.

Ang maagang delivery at pamamahagi ng mga farm inputs ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapalakas ang rice production at food security sa Cagayan Valley, habang tinutulungan ang mga magsasaka na maging mas handa sa mga hamon ng nagbabagong klima.

Patuloy namang hinihikayat ang mga kwalipikadong rice farmers na makipag-ugnayan sa kanilang Municipal o City Agriculture Office para sa impormasyon tungkol sa schedule at iba pang detalye ng distribusyon.

Sa gitna ng climate challenges, tinitiyak ng Kagawaran ng Pagsasaka sa rehiyon dos ang sapat na farm inputs at tuloy-tuloy na suporta sa mga magsasaka bilang mahalagang hakbang upang mapanatiling matatag ang rice production at food security sa Cagayan Valley.

Istorya mula kay Ms. Barby Balcita