Ginanap ang kauna unahang 3-day Cagayan Valley Fruit and Vegetable Festival Tekno Bukid 2026 upang isulong ang paggamit ng makabagong teknolohiya at mga pamamaraan sa pagsasaka na makatutulong sa pagpapalago ng produksyon ng high value crops sa rehiyon na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, Isabela at ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) sa pamamagitan ng High Value Crops Development Program (HVCDP) noong Setyembre 10, 2026 sa San Placido, Roxas, Isabela.
Sa unang araw ng pagtitpon, tampok sa pagtitipon ang pagpapakita ng mga makabagong teknolohiya, farm practices, at iba pang paraan na maaaring gamitin ng mga magsasaka upang mapataas ang produksyon, na dinaluhan ng libu libong magsasaka at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor sa Lambak ng Cagayan, kabilang ang mga ahensya ng gobyerno at mga kumpanya sa agribusiness na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa para sa mga vegetables and fruits growers sa rehiyon.
Samantala, 51.4 Milyon ang pondong ipagkakaloob sa susunod na taon sa bayan ng Roxas para sa kanilang produksyon ng gulay at prutas, na kinabibilangan ng greenhouse, vegetable sorter facility, seed and fertilizer assistance, at iba pa na naglalayong mapalawak ang produksyon ng high-value crops at mapalakas ang kapasidad ng mga magsasaka upang makapag-produce ng de-kalidad at marketable na mga produkto.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Undersecretary Cheryl Marie “Ching” Caballero ng National High Value Crops Development Program ang kahalagahan ng patuloy na pagpapataas ng antas ng industriya ng high-value crops sa bansa.
“Ang National Government ay nandiyan po para i-orchestrate, tulungan, i-capacitate ang ating mga Local Government Units. It’s high time to talk in terms of building our mechanism for local economic development. And, if we want to transform our sector, we need to approach and adopt technologies that will not replace the farmer but empower the farmer.”
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Regional Executive Director Dr. Rosemary G. Aquino sa patuloy na suporta ng national government para sa mga magsasaka at sa agricultural development ng rehiyon.
“I would like to take this opportunity, sa ngalan po ng DA RFO 02, to extend our big and infinite thanks to our President Bongbong Marcos and to our DA Secretary Francisco Tiu Laurel kasi ito ‘yung mga brainchild nila sa ating mga magsasaka.”
Sa ikalawang araw ng aktibidad, isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) Chairmen, Dizon Farms, Inc., at Department of Agriculture, na nakatuon ang kasunduan sa pagpapalakas ng produksyon ng prutas at gulay sa bayan at pagbibigay ng mas maayos na access sa pamilihan para sa mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng contract farming at direktang market linkage, mas magkakaroon ng gabay ang mga magsasaka sa kanilang produksyon at inaasahang makatutulong sa pagtaas ng kanilang kita at pagbibigay ng mas matatag na kabuhayan.
Isinagawa rin ang mga Technical Sessions upang madagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka sa wastong pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng pananim. Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Balance Fertilization at paggawa ng compost gamit ang CFBW at vermicomposting process. Tampok din ang Sponsors’ Technical Showcase at mga interactive activity na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na matuto at makibahagi.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng pagtitipon ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mandato ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na palakasin ang suporta sa high-value crops (HVC). Sa pamamagitan ng Tekno Bukid at iba pang programa at interbensyon, patuloy na pinalalakas ng DA RFO 02 ang ugnayan ng mga magsasaka, Local Government Units, government agencies, at ibang pang sektor upang magkaroon ng mas produktibo, competitive, at climate-resilient na high-value crops industry sa Cagayan Valley.
Istorya ni Castle Castillo
