Umabot sa P4,663,950 ang cash assistance na naipamahagi ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO 02) sa 2,006 na magsasaka mula sa 1st at 3rd District ng Cagayan sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP).
Sa pangunguna ng DA RFO 02, katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at mga lokal na pamahalaan, naipamahagi ang cash assistance noong September 8-10, 2026 sa mga bayan ng Tuao, Sta. Teresita, Sta. Ana, at Gonzaga. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P2,325 cash assistance.
Sa Tuao, 1,334 benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda, 108 naman sa Sta. Teresita, 274 benepisyaryo sa Sta. Ana at 290 sa Gonzaga.
Inilunsad ang PAFFP bilang tugon sa epekto ng tensiyon sa Middle East na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng fuel at production costs sa agriculture at fisheries sectors.
Sa pamamagitan ng programa, naihatid ang agarang cash assistance upang makatulong na maibsan ang dagdag na pasanin sa mga magsasaka at mangingisda at ang epekto nito sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Istorya mula kay Ms. Barby Balcita
