Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture–Regional Crop Protection Center (DA-RCPC) Region 02 ang Technical Briefing on Pest and Diseases of Sugarcane and their Management noong Agosto 25–27, 2026 sa iba’t ibang lugar na sakop ng sugarcane production sa rehiyon.

Isinagawa ang tatlong araw na technical briefing sa Piat at Tuao, Sta. Maria at Enrile, Santiago City, Cauayan City, Echague, San Mariano, at Benito Soliven, na nilahukan ng mga magsasaka at iba pang pangunahing katuwang sa industriya ng agrikultura.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa wastong pagkilala, pagpapamanipula, pag-iwas, at pamamahala sa mga pangunahing peste at sakit na umaapekto sa tubo. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na pagtukoy at napapanahong pagkontrol upang maiwasan ang paglala ng pinsala at maprotektahan ang ani.

Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Regional Crop Protection Center (RCPC), Bureau of Plant Industry–Crop Pest Management Division (BPI-CPMD), Bureau of Plant Industry–Quarantine Service (BPI-PQS), Regulatory Division, at Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, patuloy na pinaiigting ng DA-RCPC Region 02 at mga katuwang na ahensya ang pagpapatupad ng mga angkop na estratehiya sa crop protection at Integrated Pest Management (IPM) upang mapanatili ang malusog na taniman, mabawasan ang pagkalugi, at mapataas ang produksyon ng tubo sa Cagayan Valley.

-DA-RCPC 02