Ang sentro ng Tropical Storm PILANDOK ay tinatayang nasa 1,035 kilometro East Northeast ng Extreme Northern Luzon (22.9°N, 132.6°E). May hangin na 65 km/h malapit sa sentro at pagbugsong umaabot hanggang 80 km/h. Kasalukuyang kumikilos ito patungong Northeastward sa bilis na 10 km/h.
Mahalagang bigyang-diin na maaari pa ring makaranas ng malakas na pag-ulan at malalakas na hangin ang mga lugar na nasa labas ng tinatayang landfall point at forecast confidence cone.
Inaasahang mananatiling Tropical Storm ang PILANDOK habang kumikilos pahilagang-kanluran sa buong forecast period at mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas. Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o sa madaling-araw ng bukas, 03 Setyembre.
ABISO SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA
Pinapayuhan ng Kagawaran ang mga magsasaka na gawin ang mga sumusunod na hakbang bilang paghahanda, lalo sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo:
- Anihin ang mga pananim na maaari nang anihin;
- Ilikas ang mga reserbang binhi, mga materyales sa pagtatanim, at iba pang gamit pansakahan sa ligtas at mataas na lugar na hindi maaabot ng baha;
- Ilikas ang mga alagang hayop sa mas mataas at ligtas na lugar, at maglaan ng sapat na pagkain, tubig, at gamot para sa mga ito;
- Linisin ang mga irrigation canal upang maiwasan ang pagbaha at mapabilis ang pagdaloy ng tubig.
- Regular na subaybayan ang pinakabagong ulat-panahon mula sa DOST-PAGASA;
Samantala, pinapayuhan ang mga mangingisda na:
- Ilikas ang mga bangkang pangisda at iba pang gamit pangisdaan sa mataas na lugar;
- Planuhin o ipagpaliban ang paglalakbay sa dagat dahil sa posibleng malalakas at matataas na alon sa mga lugar na maaaring maapektuhan; at
- Makipag-ugnayan at sundin ang mga babala sa pangingisda mula sa mga lokal na awtoridad.
Ang DA RFO2 DRRM Operations Center ay magbibigay ng mga regular na update ukol dito.
