Upang higit na mapalawak ang produksyon at value-adding ng citrus sa rehiyon, pormal na inigawad ng Department of Agriculture-Regional Field Office No. 02 ang Four-Unit Citrus Nursery Facility sa Malabing Valley Multipurpose Cooperative (MVMPC) sa ilalim ng General Appropriations Act 2025 (GAA 2025) ng High Value Crops Development Program (DA-HVCDP) sa Malabing, Kasibu, Nueva Vizcaya noong Agosto 24, 2026.

Ang nasabing pasilidad ay may kabuuang halaga na P8 milyon at naglalayong suportahan ang produksyon ng quality planting materials at palakasin ang sustainable citrus production sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, makatutulong  ito sa pagpapalawak ng citrus production at sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng value-adding practices.

Ang Malabing Valley Multi-Purpose Cooperative ay itinatag noong 1989 at mayroon nang mahigit 300 active farmers. Ito ay isang duly registered and recognized cooperative na nakatuon sa socio-economic development sa pamamagitan ng responsible cooperative governance, member empowerment, at sustainable services.

Bukod dito, nagsasagawa rin ang cooperative ng training para sa mga young farmers. Sa kasalukuyan, mayroon na itong 5 hanggang 10 trainees na sinasanay sa citrus production at iba pang kaugnay na gawain. Sa kanilang isang ektaryang citrus nursery, nakakapag-market na rin sila ng kanilang mga produkto sa  ibang bahagi ng Luzon, kabilang ang iba’t ibang citrus varieties tulad ng calamandarin oranges, mandarin (satsuma and ponkan), at pomelos.

Matatandaan na kinilala ang Kasibu bilang “Citrus Capital of Luzon,” kung saan  ang citrus ay kabilang sa mga high-value crops sa Pilipinas, at ang Cagayan Valley ay isa sa mga pangunahing citrus-producing regions kabilang  ang Kasibu, Nueva Vizcaya, na kilala sa masaganang produksyon nito.  

Dahil dito, binigyang-diin ni Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino ang pagpapalawak ng kooperatiba bilang isang Citrus Hub ng Northern Luzon.

“Let’s scatter now the citrus of Nueva Vizcaya, kahit saang region. It’s not all about the inauguration, it’s all about building the trust again for the Malabing Valley Multi-Purpose Cooperative (MVMPC) because soon magiging Citrus Hub kayo ng Northern Luzon.”

Ang hakbang na ito ay naaayon din sa mandato ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na suportahan ang local citrus at high-value fruit production, lalo na sa pagpapalawak ng market opportunities at export expansion ng mga produktong agrikultural mula sa mga lokal na magsasaka.

Sa pamamagitan ng pasilidad na ito, mas maraming magsasaka ang mabibigyan ng oportunidad na mapalawak ang kanilang produksyon, mapataas ang kita, at maihatid ang de-kalidad na citrus ng Nueva Vizcaya sa mas maraming pang pamilihan.

Istorya mula kay Castle Castillo