Ayon sa pinakahuling forecast:
• Inaasahang kikilos ang SAUDEL nang west-northwestward sa susunod na dalawang araw bago tuluyang kumilos pakanluran.
• Posibleng pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon at tatawaging Bagyong OBET sa oras na makapasok sa PAR.
• Batay sa kasalukuyang forecast track, mananatili ito sa Philippine Sea at posibleng lumabas ng PAR mamayang gabi o madaling-araw ng Agosto 25. Gayunpaman, hindi inaalis ang posibilidad ng mas kanlurang landas na maaaring magpanatili rito sa loob ng PAR lampas Martes.
• Ang SAUDEL ay kasalukuyang nasa malapit sa kategoryang Super Typhoon, at hindi inaalis ang posibilidad na lalo pa itong lumakas bago o habang nasa loob ng PAR. Inaasahan namang hihina ito matapos maabot ang pinakamataas nitong lakas.
• Sa kasalukuyang forecast, mas mababa ang posibilidad na direktang makaapekto ang SAUDEL sa panahon at kondisyon ng karagatan sa bansa sa susunod na tatlong araw.

Samantala, ang Tropical Depression na may international name na GAENARI (dating NENENG) ay patuloy na mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang dating LPA 08h naman ay lumakas at naging Tropical Storm ATSANI, na kasalukuyan ding binabantayan sa labas ng PAR.

ABISO SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA
Pinapayuhan ng Kagawaran ang mga magsasaka na gawin ang mga sumusunod na hakbang bilang paghahanda, lalo sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo:
1. Anihin ang mga pananim na maaari nang anihin;
2. Ilikas ang mga reserbang binhi, mga materyales sa pagtatanim, at iba pang gamit pansakahan sa ligtas at mataas na lugar na hindi maaabot ng baha;
3. Ilikas ang mga alagang hayop sa mas mataas at ligtas na lugar, at maglaan ng sapat na pagkain, tubig, at gamot para sa mga ito;
4. Linisin ang mga irrigation canal upang maiwasan ang pagbaha at mapabilis ang pagdaloy ng tubig.
5. Regular na subaybayan ang pinakabagong ulat-panahon mula sa DOST-PAGASA;

Samantala, pinapayuhan ang mga mangingisda na:
1. Ilikas ang mga bangkang pangisda at iba pang gamit pangisdaan sa mataas na lugar;
2. Planuhin o ipagpaliban ang paglalakbay sa dagat dahil sa posibleng malalakas at matataas na alon sa mga lugar na maaaring maapektuhan; at
3. Makipag-ugnayan at sundin ang mga babala sa pangingisda mula sa mga lokal na awtoridad.

Ang DA RFO2 DRRM Operations Center ay magbibigay ng mga regular na update ukol dito.