Ang Tropical Depression “Neneng” ay tinatayang nasa 530 kilometro east-northeast ng Itbayat, Batanes (22.6 °N, 126.6 °E ) at may maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro at bugso ng hangin na umaabot sa 70 km/h. Ito ay kumikilos west-northwest sa bilis na 30 km/h.
Inaasahang kikilos ito sa pangkalahatan patungong west-northwest at maaaring dumaan malapit sa, o tumama sa hilagang baybayin ng Taiwan pagsapit ng Huwebes (20 Agosto), sa hapon o gabi.
Mananatili itong tropical depression sa susunod na 36 na oras bago humina at maging remnant low sa ibabaw o malapit sa Taiwan pagsapit ng Biyernes ng umaga. Gayunpaman, hindi isinasantabi ang posibilidad na mas maaga itong humina at maging remnant low.
ABISO SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA
Pinapayuhan ng Kagawaran ang mga magsasaka na gawin ang mga sumusunod na hakbang bilang paghahanda, lalo sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo:
1.Anihin ang mga pananim na maaari nang anihin;
2.Ilikas ang mga reserbang binhi, mga materyales sa pagtatanim, at iba pang gamit pansakahan sa ligtas at mataas na lugar na hindi maaabot ng baha;
3.Ilikas ang mga alagang hayop sa mas mataas at ligtas na lugar, at maglaan ng sapat na pagkain, tubig, at gamot para sa mga ito;
4.Linisin ang mga irrigation canal upang maiwasan ang pagbaha at mapabilis ang pagdaloy ng tubig.
5.Regular na subaybayan ang pinakabagong ulat-panahon mula sa DOST-PAGASA;
Samantala, pinapayuhan ang mga mangingisda na:
1.Ilikas ang mga bangkang pangisda at iba pang gamit pangisdaan sa mataas na lugar;
2.Planuhin o ipagpaliban ang paglalakbay sa dagat dahil sa posibleng malalakas at matataas na alon sa mga lugar na maaaring maapektuhan; at
3.Makipag-ugnayan at sundin ang mga babala sa pangingisda mula sa mga lokal na awtoridad.
Ang DA RFO2 DRRM Operations Center ay magbibigay ng mga regular na update ukol dito.
Ulat mula sa DA RFO 02 – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM OpCen)
