Pormal nang nanumpa sa kanilang mga bagong tungkulin ang 17 kawani ng Department of Agriculture-Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) sa isinagawang Oath-Taking Ceremony noong August 10, 2026 sa DA MPC Conference Hall, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino ang mga bagong talaga at na-promote na kawani na yakapin ang mas malaking responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga posisyon.
βKayo ay itinalaga ng Panginoon upang gampanan ang tungkuling ito. Hindi lamang ito tungkol sa posisyon o titulo, kundi sa responsibilidad at pagkakataong makapaglingkod nang higit,β ani Director Aquino.
Binigyang-diin din ng Director ang kahalagahan ng kanilang panunumpa, partikular ang katagang βKasihan nawa ako ng Diyos,β bilang paalala sa pananagutan at tapat na paglilingkod.
βDalhin ninyo ang DA-RFO 02 saan man kayo mapunta. Carry the DA-DOS with you – Dedicated Agency Delivering Outstanding Services. Isabuhay ninyo ang pagiging dedikadong kawani at patuloy na maghatid ng mahusay at makabuluhang serbisyo,β dagdag niya.
Mga bagong talaga at na-promote ne empleyado:
Macario B. Andal – Chief Administrative Officer
Pamela Kate L. Vallangca – Supervising Administrative Officer
Paul Vincent G. Balao – Supervising Agriculturist
Roynic Y. Aquino – Agricultural Center Chief III
Salvador M. Bulda – Agricultural Center Chief III
Jay Lord Y. Bagasin – Agricultural Center Chief II
Rickson T. Baldugo – Agricultural Center Chief II
Lawrence G. Gaspar – Senior Science Research Specialist
Irene M. Estrella – Senior Science Research Specialist
Sherlyn S. Dulin – Accountant II
Aira G. Cuarteros – Agriculturist II
Julian E. Florague – Information Officer II
Maricon T. Valdez – Laboratory Inspector III
Camille O. Francisco – Science Research Specialist I
Valery C. Coca – Agriculturist I
Mayrich T. Soriano – Information Officer I
Alliah Joselle P. Galano – Market Specialist I
Istorya mula kay Barby Balcita
