Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mataas na ani ng yellow corn ang maaabot ng Eden Upland Farmers Association matapos itong mapabilang bilang kwalipikadong benepisyaryo ng Recommended Corn Production Technologies (RCPT) ng Department of Agriculture Refional Field Office No. 02 (DA RFO 02) sa pamamagitan ng Corn Program, kasunod ng briefing at validation sa Cabarroguis, Quirino noong Hulyo 29, 2026.
Direktang layon ng programang RCPT na pataasin ang adoption rate ng rekomendadong teknolohiyang pangmais; tiyakin ang de-kalidad na suplay ng yellow at white corn; at iangat ang produksiyon ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mas organisadong value chain approach.
Pasok sa pamantayan ng RCPT ang Eden Upland Farmers Association matapos matugunan ang mga kinakailangang kwalipikasyon, kabilang ang 300 ektaryang magkakadugtong na taniman, humigit-kumulang 245 miyembro, at kasalukuyang ani na 4.2 metric tons kada ektarya na target pang mapataas.
Bilang benepisyaryo, makakatanggap ang asosasyon ng: – 900 bags hybrid corn seeds – 2,100 bags ng complete fertilizer – 600 bags ammonium chloride – 1,200 litro ng liquid inorganic fertilizer – 3,000 bags ng agricultural lime – 1,800 pakete ng Agri-N – 300 pakete ng complete foliar fertilizer – 300 pakete ng plant growth enhancer
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga miyembro ng asosasyon sa patuloy na suporta ng #DARegion02 Corn Program sa pagpapataas ng kanilang ani at kita.
Magpapatuloy ang briefing at validation ng RCPT sa Echague, Isabela, at sa mga bayan ng Enrile, Tuao, at Solana sa Cagayan.
Istorya: Mildred Alan
