Inilapit ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) ang mahigit P13.6 milyong halaga ng mga interbensyon para sa El Niño mitigation sa mga magsasaka ng Lalawigan ng Nueva Vizcaya, sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP), noong Hulyo 28, 2026.

Ang kabuuang P13,627,004.00 na halaga ng mga interbensyon ay binubuo ng mga binhi ng yellow onion, red onion, garlic, mungbean, at camote, gayundin ng organic fertilizer at pallets. Ang mga ito ay ipinagkaloob sa labinlima (15) na mga  Local Government Units (LGUs) at walo (8) na mga  Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) sa lalawigan kabilang ang:

8 Farmers Cooperative and Associations

  • Aritao Irrigators Multipurpose Cooperative (5,078,230.00)
  • Alfonso Castaneda Vegetable Growera Association (1,447,850.00)
  • Gabut Farmer Rice, Onion Growers Association (1,601,750.00)
  • Mangayang Farmer Rice, Onion Growers Association (625,840.00)
  • Andoburuban Farmers Association (714,780.00)
  • Bagabag High Value Crops Association ( 799,790.00)
  • Pinayag Highland Vegetable Growers Association (866,820.00)
  • Womens Garlic and Onion Growers Association ( 688,944.00)

15 Local Government Units (LGUs)

  • LGU Alfonso Castaneda (41,400.00)
  • LGU Ambaguio (181,400.00)
  • LGU Aritao (185,400.00)
  • LGU Bagabag (41,400.00)
  • LGU Bambang (41,400.00)
  • LGU Bayombong (91,400.00)
  • LGU Diadi (235,400.00)
  • LGU Dupax Del Norte (41,400.00)
  • LGU Dupax Del Sur (207,000.00)
  • LGU Kasibu (127,800.00)
  • LGU Kayapa (41,400.00)
  • LGU Quezon (199,400.00)
  • LGU Santa Fe (149,400.00)
  • LGU Solano (91,400.00)
  • LGU Villaverde (127,400.00)

Sa ilalim ng HVCDP, ang mga ipinamahaging agricultural interventions ay inilaan para sa mga rice farmer na hindi pa makapagtatanim ngayong  season, kung saan layunin nitong isulong ang pagtatanim ng mga drought-resistant high-value crops na mas angkop sa nararanasang El Niño.

Sa pamamagitan nito, inaasahang matutulungan ang mga magsasaka na mapanatili ang kanilang produksyon at magkaroon ng karagdagang pinagkukunan ng kita sa kabila ng epekto ng tagtuyot.

Istorya mula kay Castle Castillo