Nagsagawa ng pagpupulong ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya kahapon, Hulyo 22 sa NIA-MARIIS – Cauayan, Cauayan City, Isabela, bilang paghahanda sa pormal na pagsisimula ng cloud seeding operation sa Lambak ng Cagayan.

Dinaluhan ang pulong ng mga kinatawan mula sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM), Philippine Air Force (PAF), Department of Agriculture Regional Field Office 02 (DA RFO 02), Provincial Agriculture Office of Isabela at National Irrigation Administration (NIA).

Tinalakay sa pagpupulong ang mga plano, koordinasyon, at mga teknikal na paghahanda upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng cloud seeding operation. Layunin ng programa na mapalakas ang suplay ng tubig sa mga pangunahing watershed at mga farm irrigation sa region 02.

Sa pagtutulungan at koordinasyon ng bawat ahensya upang maging epektibo ang implementasyon ng operasyon, inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng suplay ng tubig para sa agrikultura.

 

Istorya mula kay Mr. Julian Florague