Tuguegarao City, Cagayan | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026, nagsagawa ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Unit ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) sa pakikipagtulungan ng Office of the Civil Defense Region 02.
Ang dalawang araw na pagsasanay ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga empleyado sa disaster preparedness at emergency response, na idinaos sa DA RFO 02 Function Hall, Department of Agriculture Multi-Purpose Cooperative Building, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan noong Hulyo 17, 2026.
Isinagawa ang mga pagsasanay alinsunod sa Memorandum Order No. 110, Series of 2026, bilang pakikiisa sa paggunita sa National Disaster Resilience Month na may temang “NAGHAHANDA at KUMIKILOS tungo sa PANATAG na BAGONG PILIPINAS.” Layunin nitong higit pang mapaigting ang kahandaan ng mga kawani sa pagharap sa mga kalamidad sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang kaalaman at kasanayan sa disaster risk reduction and management.
Kabilang sa mga diskusyon ay ang pagtalakay sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) System, Earthquake Preparedness, at Overview of the Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) and Post-Disaster Needs Assessment (PDNA). Isinagawa rin ang Incident Command System (ICS) Executive Course at Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Orientation, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang operating unit ng ahensya.
Tinalakay ang mga batayang konsepto at proseso ng ICS bilang pamantayang sistema sa pamamahala ng mga incident report at emergencies. Binigyang-diin ang mahahalagang polisiya, estratehiya, at rolyo ng mga nakilahok sa pagpapatupad ng mga hakbangin para sa paghahanda sa panganib at sakuna.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na pinagtitibay ng DA RFO 02 ang kahandaan at kakayahan ng bawat isa upang matiyak ang kahandaaan at maagap na pagtugon sa mga sakuna, alinsunod sa layunin ng ahensya na makapaghatid ng tuloy-tuloy at de-kalidad na serbisyo sa sektor ng agrikultura.
Istorya mula kay Julian Florague
