Upang patuloy na palakasin ang production efficiency ng mga magsasaka mula sa malayong bayanayapa, Nueva Vizcaya, pinangunahan ng #DARegion02 ang Groundbreaking Ceremony para sa mga Agricultural Infrastructure Projects ng Acacia Highland Farmers Association (AHFA), na may kabuuang halaga na ₱9,853,030 sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) 2026 ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa Barangay Acacia, noong Hulyo 17, 2026.
Mula Hunyo hanggang Hulyo 2026, isinagawa ang 1st-6th priming ng tanim na kamatis sa lawak na 2,760 sqm. Sa loob ng isang buwan, nakapagtala ang asosasyon ng total sales na ₱125,988.00. Magpapatuloy ang anihan hanggang sa ika-12 priming, kung saan kung mananatiling stable ang presyo ng kamatis sa merkado, madaragdagan pa ang kabuuang kita ng asosasyon.
Bilang suporta sa long-term food security at rural development ng mga magsasakang ito, layunin ng mga bagong imprastraktura ang maisulong ang adoption ng climate-resilient at sustainable agricultural practices.
Sa kabuuang pondong mahigit ₱9.85 milyon, kabilang ang mga sumusunod na imprastraktura:
• 1 Screenhouse – ₱2,433,300
• 1 Packaging House Facility – ₱4,000,000
• 2 Drip Irrigation Systems – ₱1,400,000
• 20 Rainshelters – ₱2, 019, 700
Ang Acacia Highland Farmers Association (AHFA), benepisyaryo ng proyekto, ay isang rehistradong samahan ng mga magsasaka na binubuo ng 116 aktibong farmer-members na pangunahing nagtatanim ng high-value vegetables. Sa pamamagitan ng kooperasyon, patuloy nilang pinalalakas ang mga gawaing pang-agrikultura at kabuhayan sa pamamagitan ng paggamit ng sustainable farming practices at aktibong pakikilahok sa mga programa ng pamahalaan para sa agricultural development.
Kabilang sa kanilang mga pangunahing produktong itinatanim ay ang beans, tomato, eggplant, cauliflower, squash, at Taiwan pepper, kung saan, sa pamamagitan ng mga ipagkakaloob na Screenhouse, Packaging House Facility, Drip Irrigation Systems, at Rainshelters, inaasahang mapapabuti ang kalidad, marketability ng kanilang mga ani, mababawasan ang post-harvest losses ng 116 farmer-members.
Ang matagumpay na implementasyon ng mga proyektong ito ay inaasahang higit pang magpapalakas sa isang resilient at competitive na high-value crops sector, kasabay ng pagsuporta sa layunin ng pamahalaan na maisulong ang sustainable agricultural growth at mapabuti ang kabuhayan ng mga rural communities.
Istorya mula kay Castle Castillo
