Kabuuang ₱518,475 na halaga ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) ang naipamahagi ng Department of Agriculture-Regional Field Office No. 02 sa 223 magsasaka sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, partikular sa mga bayan ng Dupax del Norte at Bambang, kahapon, Hulyo 14, 2026.
Sa bayan ng Dupax del Norte, 89 magsasaka ang tumanggap ng tig-₱2,325 na cash assistance, na may kabuuang halagang ₱206,925. Samantala, 134 magsasaka naman sa munisipalidad ng Bambang ang nakatanggap na may kabuuang halagang ₱311,550.
Ang PAFFP ay programa ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng ₱2,325 sa bawat kwalipikadong magsasaka ng palay, mais, at tubo, gayundin sa mga mangingisda, bilang suporta sa pagharap sa tumataas na gastos sa produksyon.
Magpapatuloy ang pamamahagi ng nasabing cash assistance sa iba pang mga benepisyaryo mula sa iba pang munisipalidad sa lalawigan ng Nueva Vizcaya hanggang Hulyo 24, 2026.
Istorya mula kay Castle Castillo
