Kabuuang P100,000 na halaga ng agricultural interventions ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture -Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa humigit 60 munisipalidad mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya sa isinagawang Regionwide Turnover Ceremony for Gulayan sa Bayan (GSB) Projects na ginanap sa DA-Nueva Vizcaya Experiment Station, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Hulyo 2, 2026.
Ang Gulayan sa Bayan (GSB) Projects ay nakapaloob sa Memorandum Circular No. 16, Series of 2025, isang nationwide initiative ng Department of Agriculture -High Value Crops Development Program (DA-HVCDP) na naglalayong isakatuparan ang isang community-based, nutrition-sensitive farm production model sa 1,370 vegetable nurseries and gardens sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng implementasyon ng mga DA Regional Offices, binibigyang- suporta ng GSB ang mga Rural Improvement Clubs (RICs), 4H Youth Clubs, at iba pang community-organized associations upang maisulong ang sustainable food systems at karagdagang pagkakakitaan para sa mga lokal na komunidad.
Tinanggap ng mga GSB recipients, kabilang ang mga Rural Improvement Clubs (RICs), 4H Youth Clubs, at iba pang community-organized associations, ang mga agricultural interventions bilang suporta sa pagpapatupad ng Gulayan sa Bayan Projects.
Kabilang sa kabuuang P100,000 na halaga ng mga ipinamahaging interventions ang mga sumusunod:
3 pieces plastic drum
3 pieces sprinkler
90 pieces pipe clip
2 rolls plastic mulch
50 pieces seedling tray
1 unit multi cultivator
2 packs 10-in-1 vegetable seeds
1 roll polyethylene film
Batay sa Malnutrition Map ng Rehiyon Dos, nananatiling mataas ang kaso ng wasting, stunting, at underweight sa ilang munisipalidad sa mga nabanggit na lalawigan. Sa pamamagitan ng Gulayan sa Bayan Projects, inaasahang makatutulong ang programa upang mapababa ang mga nasabing kondisyon.
Inaasahan na ang mga ipinagkaloob na agricultural interventions ay magsisilbing suporta upang higit pang mapaunlad hindi lamang ang mga community gardens, kundi pati na rin ang mga vegetable nurseries sa rehiyon
Istorya mula kay Castle Castillo
