Tumanggap ng iba’t ibang agricultural inputs ang Libertad Corn Growers Association bilang bahagi ng programang Upscaling of Recommended Corn Production Technologies (RCPT) sa bayan ng Abulug, Cagayan, nitong araw, Hunyo 18, 2026. Sila ay binubuo ng 165 miyembro at may kabuuang 300 ektaryang magkakadugtong (contiguous area) na sakahan.
Kabilang sa mga ipinamahaging inputs ang:
• 900 bags ng GM hybrid corn seeds
• 2,100 bags ng complete fertilizer
• 3,000 bag ng agricultural lime
• 1,800 pakete ng Agri-N
• 300 pakete ng complete foliar fertilizer
• 300 pakete ng plant growth enhancer
Gagamitin ng asosasyon ang mga naturang inputs sa pagpapatupad ng double-row corn planting technology, isang inirerekomendang teknolohiya sa produksyon ng mais na naglalayong mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka ngayong wet season.
Patunay ito ng patuloy na suporta ng DA-Corn Program sa pagpapalakas ng produksyon ng mais at pagpapabuti ng kabuhayan ng mga corn farmers sa lalawigan ng Cagayan.
Istorya mula kay Mildred Allan
