Bilang bahagi ng pagsusulong ng wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay, nagsagawa ang DA RFO 02 ng isang ‘Pinggang Pinoy salu-salo’ na nilahukan ng mga empleyado ng ahensya, kahapon, Hunyo 22, 2026.

Tampok sa aktibidad ang mga masustansyang pagkain na naaayon sa konsepto ng Pinggang Pinoy, na nagsisilbing gabay sa pagkakaroon ng balanse at sapat na nutrisyon.

Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng mga kawani sa kahalagahan ng wastong pagkain at pagpapanatili ng mabuting kalusugan. Naging daan din ang salu-salo upang higit na mapatatag ang samahan at pagkakaisa ng mga empleyado habang isinusulong ang pagpapahalaga sa mga produktong agrikultural ng rehiyon.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ng DA RFO 02 ang suporta nito sa mga programang nagtataguyod ng wastong nutrisyon at pangkalahatang kapakanan ng mga kawani.

 

Istorya mula kay: Julian Florague