Matagumpay na isinagawa ang Panunumpa ng mga Opisyal at mga Komite ng Cagayan Valley Agricultural Competitiveness Enhancement Fund Scholars Association (CVACEFA) kahapon, Hunyo 22, 2026 sa DA RFO 02 Gymnasium, San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan.

Ang CVACEFA ay binubuo ng mga graduate-beneficiaries ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) Scholarship Program na kamakailan ay pormal na itinatag sa pamamagitan ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund Regional Coordinating Unit (ACEF-RCU).

Sa nasabing seremonya, pormal na nanumpa ang mga halal na opisyal, Board of Trustees, at mga komite ng samahan bilang tanda ng kanilang opisyal na gagampanang tungkulin at responsibilidad. Gayundin ang aktibong pakikibahagi sa mga programang naglalayong palakasin ang ugnayan at kakayahan ng mga ACEF scholars sa rehiyon.

Ang samahan ay pinangunahan at itinatag ni Ms. Bernadette T. Galoso bilang Founder, katuwang sina Ms. Nieves S. Andres at Atty. Angelo B. Gaygay bilang mga Co-Founders, mga empleyado ng DA RFO 02 mula sa Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED). Sa kanilang pangunguna, nabuo ang isang organisasyong may mandatong pag-isahin at palakasin ang ugnayan ng mga ACEF scholar graduates sa buong rehiyon. Bilang isang non-profit organization, katuwang ito ng Department of Agriculture sa paghubog ng mga alumni na may malasakit sa agrikultura at sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad.

Sa kasalukuyan, isinasagawa rin ang pagpaparehistro ng samahan sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang hakbang tungo sa ganap na legal na pagkilala nito.

Narito ang mga Opisyal at Miyembro ng Komite ng CVACEFA:

President: Dr. Adrian M. Ramos (SCRC)

Vice President: Engr. Jaymark Soriano (AMAD)

Secretary: Ms. Chinkee Agustin (ILD)

Treasurer: Ms. Dorris Morgado (FOD Corn)

Auditor: Mr. Joshua Tanguilan (SCRC Annex)

PRO: Engr. Erika Ramos (LGU Iguig)

Business Manager: Ms. Jenelyn Pentecostes (SCRC Annex)

Board of Trustees:

  1. Russel Banan (CSU Carig)
  2. Reizanne Joy Martin (FOD/SAAD)
  3. Felinor S. Gulatera (FOD)
  4. Lailanie M. Eclipse (LGU Sto. Niño)
  5. Adrian M. Ramos (SCRC Annex)

Audit and Inventory Committee:

  1. Joshua Tanguilan – Chairman (SCRC Annex)
  2. Kim Ginez – Member (FOD MCRA)

Membership and Education Committee:

  1. Jaymark Soriano – Chairman (AMAD)
  2. Reizanne Joy Martin – Member (FOD/SAAD)
  3. Russel Banan – Member (CSU Carig)

Finance and Development Committee

  1. Lailanie M. Eclipse – Chairman (LGU Sto. Niño)
  2. Melanie Capalungan – Member (FOD Organic)
  3. Faye Pagulayan – Member (FOD MCRA)

Sa naging mensahe ng CVACEFA President Ramos: “At the heart of this association is service. We want the knowledge and opportunities we received through ACEF to become something meaningful in the lives of others. We want to use what we have learned to support agriculture, strengthen communities, and help create a better future for our region.”

“Nawa’y maging paalala ang CVACEFA na ang scholarship na natanggap natin ay hindi lamang biyaya, Kundi isang pagkakataong maglingkod at magbigay pag-asa sa iba.”

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa kasabay ng selebrasyon ng DA Anniversary bilang simbolo ng patuloy na suporta ng Kagawaran ng Pagsasaka sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at sa pagpapalakas ng mga organisasyon ng mga iskolar sa Cagayan Valley.

 

Istorya mula kay: Julian Florague