Nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Department of Agriculture Employees Association (DAEA) Region 02 sa isang ginanap na Oath-Taking Ceremony na isinagawa sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 02, bilang bahagi ng ika-128 anibersaryo ng DA.
Dinaluhan ang seremonya ng mga opisyal at empleyado ng DA Region 02 bilang pagpapakita ng suporta at pagkakaisa sa bagong pamunuan ng samahan. Personal namang pinangunahan ito ni DA RFO 02 Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng bagong presidente na si Mr. Macario B. Andal, ang mahalagang papel ng DAEA sa pagsusulong ng kapakanan ng mga empleyado, pagpapatibay ng mabuting ugnayan sa pagitan ng mga kawani at administrasyon, at pagsuporta sa mga programang magpapalakas sa organisasyon.
“My first and most important advocacy is simple: the welfare of every DA employee. Whether you are in the field under the sun, in the office processing reports, or on travel to reach our farmers, your work matters. Our association will push for fair benefits, safe working conditions, timely releases of allowances, and access to training and career growth. When employees are cared for, service to our farmers and fisherfolk becomes stronger,” ani Andal, ang kasalukuyang OIC, Chief, Finance and Administrative Division (FAD) ng DA Region 02.
Ang seremonyang ito ay sama-samang responsibilidad ng bawat opisyal at miyembro na patuloy na itaguyod ang mga adhikain ng samahan at suportahan ang misyon ng Department of Agriculture sa paghahatid ng tapat na serbisyo sa sektor ng agrikultura.
Sa naging resulta sa ginanap na eleksyon noong June 15, 2026, kasama ang iba’t ibang miyembro ng DAEA, ang mga opisyal na nahalal ay ang mga sumusunod:
President: Macario B. Andal
Vice President: Atty. Pamela Kate L. Vallangca
Secretary: Mr. Atty. Angelo B. Gaygay
Treasurer: Ms. Marilou F. Aquino
Auditor: Ms. Sherlyn S. Dulin
Public Relations Officer: Ms. Vilma P. Soriano
Chairperson on Membership and Election: Engr. Daisy C. Saldo
Chairperson on Plans and Programs: Ms. Bernadette T. Galoso
Chairperson on Cultural and Sports Activities: Mr. Rene Hosmond P. Tallud
Chairperson on Employees’ Welfare and Development: Ms. Betty B. Tamaray
Chairperson on Finance: Dr. Marvin B. Luis
Chairperson on Services: Engr. Darlina D. Mabatan
Committee on Grievance:
Chairperson: Ms. Remedios A. Dela Rosa
Deputy: Dr. Gerly T. Zulueta
Members: All Division Chiefs except PMED a FAD to be represented by Assistant Division Chiefs
Sa pamamagitan ng bagong pamunuan ng DAEA Region 02, inaasahan ang mas pinaigting na pakikipagtulungan ng bawat miyembro at mga inisyatibong magpapalakas sa kapakanan ng mga kawani sa kanilang asosasyon.
Istorya mula kay: Julian Florague
