TUGUEGARAO CITY, Cagayan | Pormal nang binuksan ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA RFO 02) simula kahapon, Hunyo 22, 2026, ang isang linggong pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Department of Agriculture na may temang “DA 128: DOS ang Aksyon, Asenso ang Direksyon.”

Dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng ahensya ang pagsisimula ng iba’t ibang aktibidad na isasagawa hanggang Biyernes bilang pagkilala sa mahigit isang siglong paglilingkod ng kagawaran para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni DA Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino na ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng DA ay pagkakataon upang balikan ang mga tagumpay ng tanggapan at higit pang pagtibayin ang paglilingkod sa sektor ng agrikultura. At kinilala ang tapat na serbisyo ng bawat empleyado upang maimplementa nang maayos ang programa at proyekto para sa agrikultura.  

“Sa loob ng 128 taon, gaano man kalaki ang budget, gaano man kaganda ang ating mga pasilidad, at gaano man ka-advanced ang ating teknolohiya, hindi magiging matagumpay ang anumang programa kung wala ang mga taong may puso sa serbisyo. At hindi rin dapat kalimutan ang ating mga farmers. Sila ang inspirasyon sa likod ng ating mga programa, polisiya, at mga desisyong ginagawa natin araw-araw. Kaya naman, hangga’t maaari, we would like to anchor our products and services on the call of the times and the needs of our people.

“Farmers first before our personal advocacies. Farmers first before our individual preferences. Farmers first because every plan we make, every budget we prepare, every policy we craft, and every activity we implement should ultimately benefit the farmers we serve.”

Bilang bahagi ng selebrasyon, nakatakda ang iba’t ibang aktibidad na naglalayong palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga empleyado, kilalanin ang kanilang mga natatanging kontribusyon, at higit pang maipakita ang mga programa at serbisyo ng tanggapan para sa kapakinabangan ng publiko. Ngayong araw ay magsasagawa ang ahensya ng Job Fair para sa mga nakapagtapos ng agrikultura at kursong may kinalaman sa agrikultura at pangisdaaan bilang suporta sa Open Government Week.

Isinabay rin kanina ang paglalagda sa isinagawang pledge of commitment ng mga empleyado sa patuloy na pagtataguyod ng DA RFO 02 ng teammanship, service orientedness and responsible governance, tungo sa mas maunlad na kabuhayan para sa rehiyon, ang may tapat na serbisyo publiko matitiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga programa at proyektong pang-agrikultura sa rehiyon dos.

Nagkaroon din ng simpleng salu-salo ang mga empleyado bitbit ang kanilang mga naihandang pagkaing pinoy.

Samantala, magsasagawa naman ang iba’t ibang aktibidad ang ahensya tulad ng DA DOS Street Painting contest; Agri-based Developed Processed Products – Technology Business Incubator (Adept-TBI) visit; Free Veterinary Consultation and Rabies Vaccination; Distribution of agricultural inputs and planting materials; Outreach Programs; Civil Society Organization (CSO) Accreditation, Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF) orientation and Regional Government Analytics tutorial; Solar-Powered Irrigation System (SPIS) demonstration; at Regional Gawad Saka Awarding ceremony.

Ayon pa kay Dr. Aquino, ang mga tagumpay ng kagawaran ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng mga kawani, mga katuwang na ahensya, mga lokal na pamahalaan, at higit sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda na nagsisilbing haligi ng sektor ng agrikultura.

“Nawa’y patuloy tayong magtulungan, magkaisa, magmalasakitan at maglingkod nang may integridad at takot s Diyos malasakit para sa kapakanan ng ating mga stakeholders at ng buong sektor ng agrikultura.”

Istorya mula kay: Julian Florague