Dalawampu’t dalawang (22) produkto at dalawang (2) sheep facilities mula sa walong (8) Farmers and Fisherfolk Cooperatives and Associations (FCAs) at agribusiness farms sa Cagayan Valley ang sasailalim sa halal certification inspection ng Alliance of Halal Integrity in the Philippines (AHIP) katuwang ang #DARegion02 Regulatory Division mula June 1–4, 2026, kung saan, isa ito sa pinakamalawak na halal certification activities na isinagawa sa rehiyon.
Ang pagsasagawa ng halal certification inspection ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng tanggapan sa halal industry development sa rehiyon sa ilalim ng pamumuno ni Regional Executive Director, Rose Mary G. Aquino. Bago ang pormal na inspeksyon, nagsagawa ng pormal na pagbisita noong June 1, 2026 sa tanggapan ni Regional Technical Director, Kay S. Olivas ang mga kinatawan ng Alliance of Halal Integrity in the Philippines (AHIP) na pinangunahan ni Chief Executive Officer Potre Diampuan, kasama ang inspectorate team na sina Mr. Eshmael Diampuan at Mr. Alejandro Deron. Dumalo rin ang DA RFO2 Regulatory Division sa pamamagitan nina Sr. Agriculturist at Halal Focal Person, Editha E. Cortina at Engr. Krisha G. Ubiña, Report Officer bilang kinatawan ni Chief Remedios A. dela Rosa, kung saan tinalakay ang kabuuang daloy para sa isasagawang halal certification inspection sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ng AHIP inspection team ang pagsusuri sa mga FCA at agribusiness farms, kabilang ang 22 produkto at sheep facilities mula sa mga sumusunod: Tiblac Farmers Agriculture Cooperative ng Ambaguio, Nueva Vizcaya; Diffun Saranay Development Cooperative ng Diffun, Quirino; Isabela High Value Crops Cooperative; HJ Guieb Farm Products and Services ng San Agustin, Isabela; Providers Multi-Purpose Cooperative ng Naguilian, Isabela; Flow of Parir Agriculture Cooperative ng Cabatuan, Isabela; Mr. Moo’s Dairy Products Incorporated ng City of Ilagan, Isabela; Carmencita Vegetable Farmers Association ng Delfin Albano, Isabela; at Small Ruminants and Rice Growers Association ng Lasam, Cagayan, kabilang ang dalawang livestock/small ruminant facilities, bilang bahagi ng pagpapaigting ng halal value chain mula produksyon hanggang merkado.
Ilan sa mga isasalang sa inspeksyon ang mga produktong kape, cocoa-based products, banana-based processed goods, instant food mixes, at dairy products at iba, maging ang dalawang livestock at small ruminant facilities.
Bilang nangungunang ahensya sa pagpapaunlad ng halal industry sa bansa, patuloy na pinalalakas ng Kagawaran ng Agrikultura ang halal industry sa rehiyon na nagsisimula sa produksyon ng mga hilaw na produktong agrikultural hanggang sa pagproseso at pagmemerkado ng mga halal-certified products upang matiyak na ang inilalabas sa merkado ay sumusunod sa mga pamantayan ng halal na nakatuon sa kalusugan, kaligtasan, kalidad ng pagkain.
Istorya mula kay: Aza-zel T. Erro
