Bilang bahagi ng pagbisita nina DA Undersecretary Roger P. Navarro at Asec. U-Nichols Manalo, sa inisyatibo ni Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino ay inilatag ang mgaplano at hakbangin ng rehiyon upang mapagaan ang epekto ng napipintong pananalanta ng El Niño noong Mayo 26, 2025 sa Isabela Experiment Station, Gamu, Isabela.

Sa suporta ng iba’t ibang sangay ng regional office, kasama ang mga research center at experiment stations nito, ay naipresenta ang mga hakbangin sa mga bumisitang opisyal mula saDA Central Office.

Ang unang presentasyon ay mula sa Planning, Monitoring and Evaluation Division hinggil sa“Integrated Climate Adaptation and Crisis Management Action Plan.” Ibinahagi rito ang mgaestratehiya laban sa tagtuyot at soil acidity na nakaaapekto sa produksyon, kabilang angpagtukoy sa mga “ground-zero” na munisipalidad at pagpapatupad ng targeted interventions. Nakatuon ang talakayan sa adaptive mitigation, cost-reduction technologies, at soil health improvement sa pamamagitan ng biofertilizers at biological control agents.

Samantala, naglahad naman ang Integrated Laboratory Division sa ilalim ng Regional Soils Laboratory ng “Balanced Fertilization Strategy for Rice and Corn” sa mga acidic at nutrient-deficient na lugar sa Region 2. Iniulat din na apektado ang humigit-kumulang 18,000 ektarya ngpalayan at 47,844 ektarya ng maisan dahil sa soil acidity, at ipinaliwanag ang updated fertilizer recommendations upang mapataas ang ani at mabawasan ang gastos sa inputs. Ipinakilala rin angpaggamit ng biofertilizers, liquid fertilizers, at organic inputs tulad ng Agri-N-Glass upangmapataas ang ani at mapababa ang production cost.

Bago magtapos ang pagpupulong, kinilala nina Usec. Navarro at Asec. Manalo ang mga hakbangna isinasagawa ng DA Region 02 upang matulungan ang mga magsasaka sa lambak, habangbinibigyang-diin ang kahalagahan ng rehiyon sa produksyon ng staple foods gaya ng rice at corn.

Binida rin ng Isabela Expriment Station ang kanyang Integrated Farming System na maliban sa crop tulad ng palay ay may kasamang ng produksyon ng itlog na nagsisilbing pang araw araw na kita, pag aalaga ng manok o broiler para sa buwanang kita, pag aalaga ng tilapia para sa kita kada tatalong buwan at pag aalaga naman ng tupa para sa pang matagalang kita. Kasama din sa mga proyekto ng istasyon ay ang Sheep Fattening Project gamit ang Total Mix Ration Component (pinagsamang silage ng mais at formulated concentrate para sa fattening) na isang component ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP).

 

Inaasahan din nila ang magiging positibong resulta ng mga planong ito para sa mitigasyon at kung paano makatutulong ang mga ito sa pagpapababa ng epekto ng El Niño sa mga magsasakang rehiyon.

Istory ni:  Pauline Lago