Kinilala ng #DA Region 02  Regulatory Division at Bureau of Animal Industry ang ilang poultry at livestock farms sa Cagayan Valley matapos makapasa sa Good Animal Husbandry Practices (GAHP) certification na sumasaklaw sa mahigpit na pamantayan sa biosecurity, animal welfare, worker safety, at environmental protection, alinsunod sa Republic Act 10611 o Food Safety Act of 2013.

Kabilang sa mga awardees ang mga sumusunod:

  • JEAOX BREEDING FARM CORPORATION sa Barangay Namnama, City of Ilagan na pagmamay-ari ni Jose Avelino C. Diaz. Ang farm ay may 390 dairy cattle at nakagagawa ng 128,700 litro ng gatas kada quarter na nagsusuplay sa regional milk supply at DepEd nutrition programs.

 

Certified din ang ilang poultry breeder at broiler farms sa Isabela kabilang rito ang mga sumusunod:

  • COSMOPOLITAN MULTI-FARM VENTURES CORPORATION (BREEDER) sa Libertad, Echague, Isabela na pagmamay-ari nina Imelda Escalante at Grace T. Dirige at pinamamahalaan ni Nelton Mabbagu. May kapasidad itong 68,000 head at nakagagawa ng higit 8.9 milyong day-old chicks o DOCs kada production cycle bilang contract breeder ng San Miguel Foods Incorporated.

 

  • JOHN MARK BREEDER FARM AT MARCO POULTRY FARM sa Cauayan City at Angadanan, Isabela na pinamamahalaan ni Dr. John Lito Emil Ong at contracted sa C-JOY Philippines. Umaabot sa mahigit 12.3 milyong DOCs kada cycle ang produksyon.

 

  • AGGARI’S POULTRY FARM AT GOLDENSTAR FARM sa Naguilian at Burgos, Isabela na pagmamay-ari nina Engr. Medardo Aggari at Hon. Angela U. Huang ay may pinagsamang produksyon na higit 10.9 milyong DOCs kada production cycle.

 

  • COSMOPOLITAN MULTI-FARM VENTURES CORPORATION (BROILER) sa Arabiat, Echague, Isabela na pagmamay-ari pa rin nina Imelda Escalante at Grace T. Dirige at pinamamahalaan ni Nelton Mabbagu. Nakagagawa ito ng tinatayang 1.26 milyong manok kada taon at may hanggang pitong production cycles taun-taon.

 

  • ANTONIO POULTRY FARM sa San Manuel, Isabela na pagmamay-ari nina Mr. at Mrs. Gilmark Antonio at may taunang produksyon na 448,000 manok.

 

  • LP LIM CITY FAMILY FARM Incorporated sa Ramon, Isabela na pagmamay-ari ni Anthony Lloyd Lim ay nakagagawa naman ng humigit-kumulang 8.9 milyong DOCs kada taon para sa mga contract growers ng San Miguel Foods Incorporated.

Ayon sa ahenya, ang mga DOCs mula sa GAHP-certified farms sa Cagayan Valley ang nagsusuplay sa iba’t ibang rehiyon upang matiyak ang sapat at ligtas na poultry production, habang hinihikayat ang mas maraming farm na sumunod sa GAHP standards para sa mas dekalidad na pagkain.

 

via Aza-zel T. Erro