Umabot sa P8,753,814.74 milyong halaga ng mga produktong agrikultural ang matagumpay na nai-market link ng Department of Agriculture Regional Field Office 02 – Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA- AMAD) mula Enero hanggang Mayo 2026 bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap na matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng hamon sa merkado at oversupply ng ani.

Nasa kabuuang P316,600.53 kilo ng iba’t ibang produktong agrikultural ang naihatid sa mga institutional buyers, lokal na pamilihan, at iba’t ibang mamimili sa loob at labas ng rehiyon sa pamamagitan ng Market Linkage Facilitation at Food Mobilization/Logistics Support, na nagresulta sa kabuuang benta na ₱8,753,814.74.

Sa ilalim ng Market Linkage Facilitation, 235,088.13 kilo ng mga produkto ang matagumpay na naiugnay sa mga merkado sa Metro Manila at lokal na pamilihan na nagkaroon ng kabuuang halaga na ₱7,470,905.80 milyon. Samantala, 81,512.40 kilo naman ng mga produktong agrikultural na nagkakahalaga ng ₱1,282,908.94 milyon ang naihatid sa pamamagitan ng Food Mobilization o logistics support. 

Samantala, nagkaroon din ng koordinasyon sa mga National Government Agencies (NGAs) upang hikayatin ang pagbili ng surplus na ani mula sa mga magsasaka bilang bahagi ng patuloy na hakbang upang mapatatag ang merkado at patuloy na masuportahan ang mga magsasaka. 

Ipinapakita nito ang mabilis at konkretong aksyon ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD) katuwang ang Field Operations Division, mga Research Centers and Experiment Stations (RCES), LGUs, at Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) upang maiwasan pagkalugi ng mga magsasaka at palakasin ang sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Istorya ni: Castle Castillo