Ang direktang pagbili ng nasabing kompanya sa mga magsasaka ng mga mais sa siyudad ng Ilagan sa Isabela ay napapalakas ang kita ng mga lokal na magsasaka at mapatatag ang suplay ng hilaw na materyales sa industriya ng feed sa buong rehiyon. Dahil kilala ang lugar bilang “Corn Capital of the Philippines,” inaasahang higit pang lalakas ang ugnayan ng sektor ng agrikultura at feed manufacturing sa lugar.

Ang 25 porsiyento ng feed ration formulations ay ginagamit sa operasyon ng Charoen Pokphand Foods Public Company, ay isang malaking kumpanyang agro-industrial at food company mula sa Thailand na kilala sa produksyon ng hipon, feeds, baboy, at manok. Mayroon itong integrated operations mula sa paggawa ng feeds hanggang sa pagproseso at pagbebenta ng pagkain.

Tiniyak din ng kumpanya na ang mga mais na ginagamit sa produksyon ay nagmumula lamang sa mga Aflatoxin-safe compliant farms, alinsunod sa mahigpit na food and feed safety standards ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) na inendorso ng DA-Regional Field Office No. 02- Regulatory Division na isyuhan ang kompanya ng License to Operate as Commercial Mixed Feed Manufacturer. Layunin nito na masiguro ang kalidad, kaligtasan, at traceability ng lahat ng hilaw na materyales.

Sa isinagawang inspeksyon at assessment ng pasilidad, napansin ang mahigpit na pagpapatupad ng Standard Operating Procedures (SOPs) sa lahat ng working areas upang mapanatili ang maayos na operasyon at kalidad ng produkto. Ipinatupad din ang mga safety measures para sa mga manggagawa bilang bahagi ng occupational safety program ng kumpanya.

Kasabay nito, mahigpit ding isinasagawa ang workplace clean-out procedures sa buong istorya pasilidad, na sinusuportahan ng regular na monitoring records upang maiwasan ang anumang kontaminasyon at mapanatili ang kalidad ng produksyon, at ibang hakbang na may kinalaman sa pagseseguro ng kaayusan at ligtas na pamamahala.

Sa kabuuan, inaasahang mas lalakas pa ang sektor ng agrikultura at feed

manufacturing sa Isabela sa pagpasok ng Charoen Pokphand Foods, habang patuloy na nakikinabang ang mga lokal na magsasaka ng mais sa lumalawak na merkado.

 Istorya ni: Julian Florague