Aprubado na bilang isang ganap na machinery testing center ang Department of Agriculture – Regional Field Office 02 Southern Cagayan Agricultural and Biosystems Power and Machinery Testing Center (DA RFO 02-SCABPMTC) noong Abril 10, 2026.Matatagpuan ang pasilidad sa Maharlika Highway, Minanga Norte, Iguig, Cagayan at magsisilbing panrehiyong sentro para sa testing at evaluation ng iba’t ibang makinaryang pang-agrikultura. Ang akreditasyon nito ay may bisa hanggang Marso 26, 2029.

Dumaan sa masusing proseso ng site visits at evaluation ang pagkakatatag ng testing center noong 2025 na isinagawa ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering, katuwang ang University of the Philippines Los Baños – Agricultural Machinery Testing and Evaluation Center (UPLB-AMTEC). Matapos ang assessment at paglalatag ng mga rekomendasyon, pormal na inaprubahan ang aplikasyon ngayong taon.

Kaugnay ng paghahanda sa operasyon ng pasilidad, ang pagkakaroon ng pagsasanay ng mga Agricultural and Biosystems Engineers mula sa rehiyon upang maging Certified Test Engineers na siyang magsasagawa ng testing at evaluation ng agricultural at fisheries machinery alinsunod sa Republic Act No. 10915.

Itinatag ang testing center upang tugunan ang kakulangan sa testing facilities sa rehiyon, partikular para sa mga lokal na fabricators at suppliers. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang bumiyahe pa sa UPLB-AMTEC ang mga magpapatest ng makina, na magreresulta sa mas mabilis na proseso at mas mababang gastusin.

Kasabay nito, layunin din nitong itaguyod ang paggamit ng mga makinaryang dumaan sa tamang pagsusuri, lalo na’t may mga naitatalang pagbebenta ng kagamitan kahit walang kaukulang test report. Hinihikayat din ang mga supplier na magbigay ng maayos na after-sales services, kabilang ang warranty, maintenance support, at sapat na suplay ng spare parts.

Sa pamamagitan ng maayos na testing at pagbibigay ng sertipikasyon, inaasahang mapapalakas ang kredibilidad ng mga locally manufactured na makina. Makakatulong din ito upang mapataas ang tiwala ng mga magsasaka, masuportahan ang lokal na industriya, at mahikayat ang paggamit ng de-kalidad na kagamitan na magpapataas ng produktibidad sa sektor ng agrikultura.

Saklaw ng testing center ang pag susuri ng iba’t ibang uri ng makinarya tulad ng:

  1. Implements (Disc/Moldboard Plow, Disc Harrow, Rotary Tiller, Leveler) attached to Four-Wheel Tractor (Up to 70 HP only)
  2. Implements (Disc/Moldboard Plow, Comb-tooth Harrow, Leveler) attached to Walking-type Agricultural Tractor (Field testing only)
  3. Mechanical Rice Thresher
  4. Micromill
  5. Mechanical Rice Transplanter
  6. Seeders
  7. Rice Combine Harvester
  8. Mechanical Grain Dryers (6 Tons Capacity and Below)

via Aza-zel T. Erro