ALFONSO CASTANEDA— Dinagsa ng daan-daang vegetable farmers mula sa Lambak Cagayan ang kauna-unahang National Field Day for the White Revolution Technologies cum Information Caravan na ginanap sa Lezach Farm, Brgy. Lublub, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya nitong Abril 15, 2026.

Dinaluhan din ito ng iba’t ibang Farmers’ Cooperatives and Associations (FCA), kinatawan ng Provincial, City, at Municipal LGUs ng Cagayan Valley, katuwang na seed companies ng DA RFO 02, agricultural input suppliers, institutional buyers, at mga kinatawan mula sa National Government Agencies, SUCs, mga FCAs mula sa kalapit rehion ng Cagayan Valley at iba pang stakeholders.

Ang White Revolution ay estratehikong inisyatiba at brainchild ni Kalihim Francisco Tiu Laurel Jr. na naglalayong tiyakin ang matatag at buong taong supply ng abot-kayang high-value crops. Nakatuon ito sa modernisasyon ng pagsasaka gamit ang protektadong paglilinang tulad ng puting plastic mulch, greenhouses, solar fertigation panels, rain shelters, packing houses, modular cold storages, at irrigation systems upang labanan ang epekto ng climate change, bawasan ang pag-angkat, at patatagin ang presyo.

Kabilang sa programa ang pagtatatag ng mga food corridor malapit sa urban markets para mapabuti ang logistics, maiwasan ang post-harvest losses, at masiguro ang suplay.

Sinabi ni DA RFO 2 Regional Executive Director Rose Mary G. Aquino na magsisilbing model farm ang Leszach Farm, recipient ng White Revolution Technologies. Maaari ring mabigyan ng kaparehong interventions ang mga FCA basta maisumite ang mga kinakailangang dokumento, partikular ang marketing agreement sa institutional buyers.

Istorya ni: Ferdinand Cortez